Chapter 46

97 4 0
                                    

DIVINE'S POV

Maaga ako nagising dahil balik trabaho ulit habang nag-aasikaso ako hindi ko alam kung umalis na ba si sir Hunter. Kanina kasi pag-gising ko isang himala na hindi ko siya nakita nang pag-mulat ng mata ko. Sa tuwing gigising kasi ako palagi kong nararamdaman na may nakapalupot sa tiyan ko habang may humahalik sa leeg ko, o sa balikat, o kaya naman sa pisnge.

Kaya isang himala na hindi niya ginulo ang umaga ko.

Habang pababa ako sa hagdanan may naririnig akong kaluskos ng mga kutsara at pinggan kaya agad akong dumeretso sa kusina. Agad na bumungad sa akin ang likod ni sir Hunter habang busy na nag-luluto. As usual wala na naman siyang suot na pang-itaas napapailing na lang ako at umupo habang pinapanood siyang mag-luto. Halatang hindi niya napansin 'yong presensya ko kasi sobrang focus siya sa pag-luluto niya.

Bigla akong nagulat nang bahagya siyang gumiling habang may hawak pang spatula. 'Yong giling niya ang hot tignan pero anong ginagawa nito sa buhay niya? Hindi man lang sinabi nito sa akin na suma-side line siya sa Adonis. Pigil na pigil ako na huwag tumawa para hindi niya napansin na nasa likod niya lang ako agad kong kinuha 'yong phone ko at vinideohan siya

Baby, you're just like a storm raining on me
Girl, you're soaking wet, whoa-whoa

Mas lalo akong nagulat nang kumanta siya ng "Wet the bed". Aba, hindi lang dancer si sir Hunter may tinatago rin palang boses na gusto ko na lang maging bingi. Joke lang, may boses naman siya 'yong boses niya na malalim na parang ang sarap pakinggan.

I'ma kiss it right, yeah, yeah
I'm gon' lick all night, yeah, yeah
Girl, when I'm inside, yeah, yeah
Yeah, girl, you heard what I said
I'm gonna make you wet the bed

Kagat-kagat labi ko siyang pinapanood para lang walang lumabas na ingay sa bibig ko. Parang sumasakit na 'yong tiyan ko kakapigil sa tawa ko halos nanginginig na rin 'yong kamay. Hindi ako maka pag-video nang maayos dahil sa kamay ko.

Nakakatawa 'tong si sir sa bawat "yeah" gumigiling habang naka-hawak sa leeg niya pababa sa tiyan niya. Sa bawat giling niya zinozoom ko 'yong camera at tinatapat sa mismong bewang niya.

Ano 'to? Luto o giling?

"Pwede na 'to i-post,"

Bigla siyang lumingon sa akin habang gulat na gulat na tumingin sa akin at bumaba 'yong tingin niya sa phone ko.

"Oh come on, baby," Pinatay niya muna 'yong stove bago niya ako nilapitan. Agad kong inoff 'yong phone ko at nginitian siya na parang wala lang.

Napailing siya at bumuntong hininga at pinipilit na kunin 'yong phone ko. Habang ako ay iniilagan 'yong kamay niya huwag lang makuha 'yong phone ko.

"This isn't funny," sabi niya. Imbes na matakot ako ay tinawanan ko lang siya at mas lalong inasar.

"It's even funnier to watch a mafia boss dancing as if he's working at Adonis." asar ko sa kan'ya.

Kumunot noo siya nang sinabi ko 'yong "Adonis". Aba! huwag niyang sabihin na hindi niya alam 'yon?

"What are you saying, honey?" taka niyang tanong at tinalikuran ako para ilagay sa pinggan ang niluto niyang fried rice. Seryoso ba? Hindi niya alam? Pero sige sabihin natin na hindi niya talaga alam. Hindi ba 'to nag-facebook? Boring naman ng buhay nito.

"You don't need to film me. Just let me know if you want me to dance like I did earlier, and I'll do it for you in front of you."

Nagulat ako sa sinabi niya at nag-lakad palapit sa akin at bitbit 'yong niluto niyang fried rice habang gumigiling pa! Ano ba 'tong si sir Hunter?! Nakakaloka na talaga siya!

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now