Chapter 35

122 5 0
                                    

DIVINE'S POV

Nakahiga ako ngayon sa kama at katabi ko si sir Hunter na busy sa laptop niya habang ako tulalang nanonood sa t.v. Alam kong ilang beses na 'tong tumatabi sa akin nang hindi ko alam pero mas nakaka intense talaga ngayon at hindi ko alam kung bakit.

Palihim kong tinignan si sir Hunter, ano kaya ginagawa nito? Sumilip ako sa laptop niya at nakita kong may inaayos niyang documents. Huminga ako nang malalim at binalik 'yong atensyon ko sa t.v.

"I love you..."

"I love you..."

"I love you..."

F*CK!

Bakit hindi mawala sa isip ko 'yang p*tang*nang I love you na 'yan! Nagulat talaga ako bigla siya nag-sabi ng gano'n. Tinignan ko ulit nang palihim si sir Hunter at busy pa rin sa laptop niya. Bakit parang wala lang sa kan'ya 'yon? I mean hanggang ngayon nasa utak ko pa rin at hindi mawala sa isip ko habang siya parang wala lang.

Naiilang talaga ako sa atmosphere sa loob ng kwarto tapos dumagdag pa na isa sa amin hindi man lang nag-sasalita. Napalunok ako habang mahigpit na humawak sa bedsheet sa ilalim ng kumot.

Sa kalagithaan ng pag-iisip ko tapos bigla 'tong mag-sasabi ng I love you. Alam kong ilang beses na akong nakakatanggap ng kaasiman at kakornihan nito ni sir. Pero sa I love you lang pala ako mapapatulala. Hindi ko alam bigla talaga ako napatigil sa pag-iisip ng kung ano-ano.

Nong sinabi niya 'yon bigla kaming nagkatinginan nang ilang segundo 'yong titig niya pa iba. 'Yong tingin na sobrang sincere, 'yong mga mata niya na titig na titig sa mata ko, 'yong mga mata niyang mapupungay na parang kinukuha na 'yong kaluluwa ko, at higit sa lahat parang may sinasabi siya sa mga titig niya na hindi ko ma i-explain.

Napailing ako at hinawakan 'yong kamay ko at nakatingin pa rin sa t.v. at palihim na ninanakawan ng tingin si sir Hunter. Dito ba 'to matutulog?? Sa tabi ko? Hindi, hindi Divine! Mag-tigil sa pinag-iisip.

"Is something on your mind, dear?" bigla akong tumingala nang bigla siyang nag-tanong. Agad akong umiling at bahagya pa akong tumawa nang mahina na parang kinakabahan ako.

Kitang-kita kung paano nag-salubong 'yong mga kilay niya at binaba 'yong laptop sa kama at tinignan ako.

"Tell me what's wrong, dear?" nag-aalalang tanong niya.

Tanging iling lang sinagot ko sa kan'ya. Napapikit ako nang halikan niya 'yong noo ko bago niya kinuha 'yong laptop niya at pinatong sa hita niya at nag-simula ulit mag work.

Tinignan ko siya nang ilang segundo bago bumalik sa panonood sa t.v.

"Baby, if there's something wrong, you can spill it. My ears are yours." malambing niyang sabi at tumango ako.

"Ano kasi, dito ka ba matutulog?" bigla siyang lumingon sa akin at bahagyang binaba 'yong eyeglasses niya sa ilong niya at tumawa.

"F*ck, why are you so f*cking adorable?" taka ko siyang tinignan kasi ba naman bigla siyang tumawa at nilapag niya pa 'yong eyeglasses niya sa kama.

Sira*lo talaga 'to! Halos mamatay na siya sa kakatawa niya! Halos napapahiga na kasi siya sa kama kakatawa.

"Ano ba 'yon? Tinatanong lang kita kung dito ka matutulog!"

"Yeah! I know!" natatawa niyang sabi habang umupo nang maayos at sumandal sa headboard.

"Don't tell me you want me to sleep with you?" napangiwi ako sa sinabi niya at talagang kinindatan pa ako.

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now