~Chesca's POV~
Dito pa rin kami sa quadrangle ng school. Kilig much ditow eh, pa'no ba naman si Anthony at Abigail. Emeghed, ang sweet :'>. Pati yung mga teachers, facilitator, janitor, o naman 'yun eh kinikilig. Sabi nila Hannah first time daw na may nangyari sa school na ganto bawal daw kasi. May layplaf na si Abigail, atsaka napaka swerte niya rin kay Anthony, mabait, matalino, God-fearing, at gwapo. 'Di ba napaka swerte niya sa boylet niya.
Lumapit na ako sa kanilang dalawa para i-congratulate silang dalawa. Aww, ang cute talaga nilang tingnan. Bagay na bagay sila :3
"Congrats!" sabi ko sa kanilang dalawa.
Parang naiilang pa silang dalawa, di magtatagal magiging close pa 'yan at halos di mo na mapaghiwalay kapag nagtagal talaga. HAHAHA
"Salamat ^___^" sabi nilang dalawa sakin.
Lumapit na din sila Monica para i-congratulate sila. Pinagmamasdan ko lang sila, super cute couple. Parang bagong kasal lang peg kasi kino-congratulate pa namin sila. Biglang lumapit sakin si Jake at nginitian ko lang siya..
"Cute nilang tingnan 'no?" sabi ni Jake habang nakatingin parin kaming dalawa sa kanila.
"Oo nga eh. Hehe." ewan ko ba kung bakit ( A/N: Prinsesa 'to ah xD) ganito? Na-aawkward ako kapag siya 'yung kausap o nakakasama ko. 'Di ba, ni-reject ko kasi siya dati nung nagconfess siya ng feelings sa'kin, tanda niyo ba?
"Sana...Ganyan din tayo."
"'Yan pala yung ginawa niyo kung bakit di kayo naka-attend ng klase 'no?" iniba ko 'yung topic. Ayoko na rin alalahanin yun, manhid na kung manhid wala naman akong magagawa eh kung kaibigan, kaibigan lang.
"Sige, alis na ako." iniwan niya na lang ako dun at pumunta sa kung saan. Di pa rin yata siya nakakamove-on dun. Kahit ako, di ko pa siya nakakausap ng matino lagi na lang ganyan. Kung magkakasama naman kami aalis ako o aalis siya. Basta palagi na lang ganyan, I felt so sorry talaga.
Lumapit na lang ulit ako sa kanila na kinocongratulate pa rin sila. HAHA, walang katapusan na pagko-congratulate sa kanila eh.
"New couple. Eh di.. Treat niyo kami mamaya." sabi ni Vince na napangisi kaming lahat.
"Oo nga, libre naman d'yan." pangangantyaw ni Dominic kay Anthony.
"Nagpakahiram kaming magpractice at pinagskip mo pa kami ng klase... Ang bayad dun ay libre." sabi ni Adrian.
"O sige na nang matahimik kayo."
"Yahoooo!!" sabi naming lahat. HAHA, libre na naman mamaya bago umuwi sa bahay. Nyaaayyyy
Pumunta na kami sa kanya-kanyang classroom at hanggang sa loob ng room kino-congrats si Abby. Thank you lang naman din ng thank you si Abby sa kanila. Umupo na ako sa proper chair ko at umupo na rin si Adrian sa upuan niya na katabi ko. Sa totoo lang, nakakasawa siyang katabi. Joke lang ^____^V
“Galing nung plan niyo ah. Nagsurprise kaming lahat nun.”
“Ganun talaga. The best kami eh. Tsk” sabi niya sabay kindat sakin ^__~. Yiikkeeess
“Kadiri ka!” sabi ko sa kanya habang nilalayo ka siya sa’kin.
“Bakit? Anong ginawa ko?”
“Ito oh.” Ginagawa ko ‘yung pagkindat na ginawa niya pero di ko kaya. Di ako marunong kumindat eh XD
“Ito ba?” kumindat na naman siya ng paulit-ulit. Nang-iingit ata, alam niya kasi na ‘di talaga ako marunong kumindat eh. Tawa siya ng tawa dahil sa itsura ko na naiinis.
BINABASA MO ANG
Catching Feelings -- Chapter 36[EDITING] .
Teen FictionA girl named Franchesca Muñoz, transferred to her new school. She encounters a lot of people there and she met her childhood friend. Her childhood friend named Adrian Charles Cruz, felt in love with her but he can't confess his feelings with her. He...