Chapter 37.
~Chesca's POV~
"Ches, bangon na!" nagising ako sa alarm namin tuwin umaga, 'yung sigaw ni mama. Inaantok pa ako pero hindi pwedeng hindi pumasok dahil first day ngayon, ang bilis ng araw 'no? Parang kahapon lang birthday 'ko tapos ngayon may pasok na naman -____- Tinatamad pa ako, kayo din ba?
Bumangon na ako bago pa ako makarinig ng yabag ng mga paa sa hagdanan at baka wisikan ako ng malamig na tubig ni mama -__- Ginawa 'ko na muna 'yung morning routine 'jko bago ako bumaba para kumain.
"Good morning," walang-ganang bati 'ko kay mama at kay kuya. Maaga din pasok ni kuya ngayon at parehas kaming bangag -__-
"Kumain na kayong dalawa," tumango kami ni kuya at kumain ng tahimik. Inaantok pa talaga ako, anong oras ba naman kasi akong natulog eh, mga one na ng umaga.
-
"Bye, ma." humalik na kami sa pisngi ni mama at saka umalis na. Ngayon 'ko na lang ulit makakasabay si kuya sa pagpasok, masaya ako. Hahaha, naglakad na kami papunta sa jeepney stop.
"Nanliligaw na ba?" bigla naman akong napalingon kay kuya, sinasabi neto? Tumingin naman siya sa'kin ng may nakakalokong
ngiti sa labi niya ako naman nakataas lang ang isang kilay 'ko sa kanya na may halong pagtataka ang itsura 'ko.
"Haha, nanliligaw na ba sa'yo?" tanong ulit niya
"Anong sinasabi mo, ha? Kuya?"
"Loko 'yun ah, akala 'ko nanliligaw na. Tinigil 'ko pa man din. . .hay,"
"Anong tinigil mo?" ngumiti lang siya sa'kin at pumara na kami ng jeep. Mga ilang minuto din ang nakakalipas bumaba na ako ng jeep. Hay, pasukan na naman -___-
Naglakad na ako papunta sa room namin, medyo madami-dami na din ang tao sa room. Pero wala pa 'yung mga ka-vibes 'ko. Naupo na ako sa aking dating upuan. Ano ba ito? Wala akong magawa dito sa room namin, ang konti pa lang kasi ng pwedeng makausap eh. Lalabas na muna ako at maglilibot muna ako sa campus namin. Lumabas na ako ng room at nag-umpisa ng maglakad-lakad.
Sa kalagitnaan ng aking paglalakad, "Uhmm, Miss. Pwedeng magtanong?" Humarap ako sa kanya, at woah!
May itsura si kuya na nagtanong sa'kin at parang nakita 'ko na siya sa kung saan, "Ah, sige."
"Saan po 'yung office ng school dito?"
"Ah, simula dito dumiretso ka dun," tumalikod ako sa kanya at itinuro 'yung direksyon, "Pagkatapos, kaliwa ka at dun na," humarap ako sa kanya na nakangiti, siya din nakangiti pero slight lang. Medyo pamilyar sa'kin 'yung mukha niya.
"Thank you Miss," umalis na siya tapos pumunta na siya dun sa direksiyong tinuro 'ko sa kanya. Gwapo siya, alam niyo yun? Naglakad-lakad na ulit ako, hindi 'ko nga alam kung saan ako pupunta eh. Tutal hindi 'ko din alam kung saan ako pupunta, babalik na lang ako sa room namin.
***♥
"Good morning class," bati ni Miss El sa'min, bumati din kaming lahat. At yes present lahat ng mga classmate 'ko, "May mga exchange students tayo class, dalawa."
"Woot, sana mga babae!" sigaw ng mga lalaki sa room
"Sana pogi, yiiieee~" 'yung mga babae naman naming classmate. At nagsimula ng umingay ang klase.
BINABASA MO ANG
Catching Feelings -- Chapter 36[EDITING] .
Teen FictionA girl named Franchesca Muñoz, transferred to her new school. She encounters a lot of people there and she met her childhood friend. Her childhood friend named Adrian Charles Cruz, felt in love with her but he can't confess his feelings with her. He...