~Jacob's POV~
"Uy mga pre doon lang ako sa garden ah." inantay 'ko lang 'yong pagtango nila o kaya sagot para makaalis na ako don. Lumabas na ako ng hotel at tinungo ko na yong garden ng hotel na 'to.
'Di 'ko nga alam kung bakit 'ko naisipang lumabas eh bigla 'ko lang napagdesisyonan. Hahahaha, para akong ewan, 'no? Siguro dahil na rin na nadoon siya, alam niyo na siguro kung sino 'yong tinutukoy 'ko, si Chesca.
'Di pa rin ako makamove-on. Hindi 'ko alam kung bakit eh, dahil na rin siguro na first time kong naging seryoso sa isang babae. Tama naman sila na masyadong maaga pa para d'yan tsaka 'di 'ko pa siya ganon kakilala. Ano ba to? Napaka seryoso naman ng sinabi 'ko, hahaha. Tawa tayo guys. HAHAHAHAHAHA.
Naglalakad-lakad lang ako dito sa graden.. Parang may sumusunod sakin kanina pa kaya lumingon ako doon pero wala namang tao kaya binalewala ko na lang. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad...
*bogssh*
ANO YUN?!?! Lumingon lingo ako sa paligid 'ko..
"Ahhhhhhhhhhhh!!!" narinig 'ko na lang yung sigaw na yun... Sabi ko na nga ba merong sumusunod sakin.. Dahil medyo madilim 'yong part ng garden kung nasasaan ako, hindi 'ko makita kung sino 'yong sumigaw na yun... Kaya pinuntahan ko 'yong direksyon sa likod 'ko..
"Miss, are you okay?" tanong 'ko sa kanya na kahit alam kong hindi siya okay. Ayos din akong magtanong eh, hahaha. Ayy wait, bakit ako tumatawa? BALIW NA ATA AKO XD.
"Hindi!!" ngayon ko lang nalaman na siya pala si Chesca.. Bakit siya nandito? May kailangan ba siya sakin??
"Why are you following me?" tanong ko sa kanya para malaman ko yung pakay niya sakin.. Hanggang ngayon nakaupo pa rin siya doon.. Di ko pa siya tinutulungan mula sa pagkakabagsak niya o kung ano man yon.
"Huh? Ehh, kasiiii...." sabi niya.. Mga babae nga naman oh!!
"Tsk!" sabi 'ko, "Ano bang nangyari sa'yo?!" tanong ko sa kanya, curious lang kung ano talaga ang nangyari sa babaeng 'to..
"Natapilok ako eh. Hehe." sabi niya sakin habang kinakamot niya yung batok niya, may kuto ba to or what?
In-offer ko sa kanya 'yong kamay ko para makatayo siya tinanggap niya naman saka siya tumayo, "Kaya mo bang maglakad?" tanong ko sa kanya, paika-ika kasi eh.
"Oo.." muntikan na siyang matumba ng dahil sa paglalakad buti na lang at nahawakan ko siya sa likod. Para kaming nasayaw neto, nakabend yong likod niya habang hawak-hawak ko naman yung likod niya.
Ano naman 'tong nararamdaman ko?!?! Tumitibok ng mabilis 'yong puso 'ko ngayon!! Asdfghjkl, bakit ba lagi na lang ganito?? AYOKO NA TALAGA!!
Dear Heart,
Wag ka ng tumibok, I mean, wag dito sa babaeng nasa harapan ko ngayon dahil hindi pwede. Please, pwede bang sa ibang babae ka na lang tumibok? Nagmamakaawa ako sa'yo.
'Di 'ko namalayan na onti-onti na palang lumalapit 'yong mukha 'ko sa kanya para halikan siya, buti na lang umilag siya doon dahil kung hindi mahahalikan ko talaga siya. Ano ba 'to!! Pigilan mo nga ang sarili mo Jacob!! Di to tama!! Magkaibigan lang talaga...kaibigan...
"S-sorry" sabi 'ko sa kanya saby iwas ng tingin..
"O-okay." nauutal niyang sabi, "Pwede ba tayong mag-usap?" tumango na lang ako bilang tugon. At dahil hindi siya makalakad ng ayos, umupo ako sa harapan niya tapos siya naman nakatayo.
BINABASA MO ANG
Catching Feelings -- Chapter 36[EDITING] .
Teen FictionA girl named Franchesca Muñoz, transferred to her new school. She encounters a lot of people there and she met her childhood friend. Her childhood friend named Adrian Charles Cruz, felt in love with her but he can't confess his feelings with her. He...