Chapter 29.

39 1 0
                                    

Yow! Yow! Super duper ultra mega sorry sa mga nag-aabang ng update ko. Alam kong paulit-ulit na akong nagsosorry, kaya sorry talaga :( Sabi ko pa naman dati na every week or every other day ako mag-aupdate kaso 'di ko kinaya. At ngayon naman sira ang laptop namin and iba 'yung gamit ko para makapagnet and mahirap mag-update sa ginagamit 'ko na 'yun. AAnd dito lang ako sa laptop ng lola ko nakapag-update, kaya sana maintintindihan niyo. Salamat :)

-----

~Chesca's POV~

Buti naman at pumayag si Adrian sa pabor na hinihingi ko. Eh kasi ba naman eh, tagal na naming hindi nagkakausap ng matino ni Jake and hindi naman ako makahanap ng tyempo kung kailan ko siya pwedeng kausapin. Sana talaga makausap 'ko na siya, gustong-gusto 'ko na kasi siyang kausapin eh...

"Chesca?"

Bigla naman akong tinawag ng katabi 'ko, ano kayang problema nito? Binabawi niya na ba? 'Di niya na ba gagawin 'yon? 'Wag naman sana, gusto 'ko ng magkaayaos kami ni Jake eh, ayoko na ng ganoon, 'yong nasa ganoong sitwasyon. Ang hirap kaya :(

"Why?" sagot 'ko naman sa kanya..

"May sasabihin ako sa'yo. I l----"

"ADRIAN!!!!"

"Sino 'yon?" tanong niya sa'kin. Sa tingin nniyo ba kilala 'ko siya? Ayos din magtanong e.Umiling na lang ako bilang tugon sa kanya...

"Adrian!!"

"Sino ba 'yon?" tanong niya na naman sa'kin. Baka 'yong babaeng maganda dun na natakbo palapit sa'mi..sa kanya pala XD

"Baka 'yon siya oh?" tinuro 'ko 'yong magandang babae na 'yon.. Bigla bigla na lang siyang tumayo at pinuntahan 'yong magandang babaeng 'yon -____-

Okay....Iniwan niya akong mag-isa dito. Di na muna ako aalis dito kasi papalapit na rin sila sa puwesto namin kanina.. Tumayo na lang ako para salubungin sila.

"Kailan ka pa umuwi? Nan dangsin-i geuliwoyo [I miss you]" hanu daw? Anong sabi ni Adrian? Sorry di ko maintindihan ehh.

"Ah Adrian.." pagsingit ko sa usapan nila.

"Oo nga pala George." sabi ni Adrian sa George na 'yun, tsk -___-.

"Geureoke beureujima! Dakchyeo! [Stop calling me with that name! Shut up!! ]" sabay palo niya sa balikat ni Adrian. Wag nga kayong maglandian sa harapan ko. GRR.

Sarap umalis sa harapan nila oh! Tsk, nakakaasar talaga. Eh bakit ba ako naasar eh kaibigan ko lang naman si Adrian at wala akong karapatan na magalit sa kanilang dalawa ng girlfriend niya. And wait! Bakit 'di niya sinasabi sa'kin na may girlfriend na siya?! Ah basta!! Nakakaasar talaga, grr. Isa pala 'to kung bakit ako naaasar.. Hindi 'ko maintindihan 'yung sinasabi nila -__- Alien language ba 'yon?

"Pwede na ba akong umalis?" pagsingit ko sa usapan nila,di ko na inantay 'yung tugon nila at umalis na ako sa harapan nila. Nakakapanggalaiti talaga, tsk. Pero biglang hinila ni Adrian 'yong right wrist 'ko.

"Bakit ka aalis?" umiling na lang ako sa kanya, ewan 'ko ba kung bakit ganito 'yong nararamdaman ko ngayon.

"George, hehe. This is Chesca, my childhood best friend." pinakilala niya ako sa George na 'yon. Ang ganda niya, super. Nakaka-inlove 'yong ganda niya kahit na parang naaasar ako sa kanya ngayon na hindi ko maintindihan. Pwede bang paki-explain 'tong nararamdaman kong inis na ewan, bsata hindi ko maintindihan.

Catching Feelings -- Chapter 36[EDITING] .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon