Hello Again.
COMMENT, FAN, and VOTE..
ENJOY READING!!
------------------------------------------------------------------------------------
Dismissal
First uwian namin. Hahaha, malamang namang huling uwian na namin. Syempre first day of classes kaya unang dismissal namin ito. Gets? Medyo magulo eh, HAHAHA!
Alam n'yo 'yon? Na akala mo hindi ka magkakaroon ng mga kaibigan at hindi magiging masaya ang first day mo? Yes, super saya ng first day ko dahil nagkaroon na ka agad ako ng kaibigan--Caitlin, Monica, Nicole, Abigail at Hannah-- at syempre madagdagan pa 'yan. 10 months 'ko din makakasama ang mga kaklase 'ko 'noh?
Back to reality, nandito ako ngayon sa loob ng service naka-upo habang hinihintay 'ko pa 'yong mga ka service ko. Nagmumuni-muni lang ako dito habang iniisip 'ko pa din 'yong nangyari kaninang umaga.
Si Mr. Adrian Cruz, ang taong bumangga sa akin. O ako talaga ang nakabangga? Eh basta siya ang may kasalanan kung bakit ako natumba kanina. Paharang-harang ba naman kasi sa dinadaanan. Isa na rin ata 'yan kung bakit memorable ang araw na 'to. Hinding hindi ko talaga malilimutan 'yon, first day na first day.
Gwapo sana siya eh, alam niyo yon? Kaso isang malaking TURN-OFF siya. Kailangan CAPSLOCK at nakabold pa para dama niyo na isa siyang malaking TURN-OFF! Nakakaasar kaya 'yong mga ganung lalaki, di man lang nagsorry. Okay na sana kahit isang sorry kahit labas pa sa ilong niya pero wala eh. Wala akong narinig ni isang sorry galing sa kanya. Tsk >___<
Eh bakit 'ko nga ba iniisip ang lalaking 'yon? Titigilan 'ko na nga baka kanina pang kating-kati 'yong ilong niya. Tsk >__<
'Yong pangalan niya, parang nakilala 'ko na. Familiar.
Nagsimula ng magsidatingan ang mga ka-service ko at umalis na kami.
Familiar talaga, oh why?
--
*bahay
Nandito ako ngayon sa kwarto 'ko at iniisip 'ko pa din ang lalakin 'yon. Ewan 'ko ba kung bakit hindi siya maalis sa isipan ko samantalang hindi ko pa siya nakakausap or what. Basta, 'yun 'yun.
"Ches, kain na!!" sigaw ni mama galing sa baba. Oo, may second floor kami.
"Ok po!" sagot 'ko sa kanya. Bumaba na ako at dumiretso na sa hapag.
Umupo na ako saka nagdasal. I'm ready to eattt!! Yummy~
"Musta ang first day ?" tanong ni mama
"Memorable po ^___^" sagot 'ko sa kanya, "Kaya naging memorable kasi nagkaroon ka agad ako ng kaibigan at dahil na rin sa lalaking bumangga sa'kin ^__^" sabi 'ko sa kanya.
Si mama, wala nang nasabi. Pinagpatuloy na lang namin 'yong pagkain namin. Parang may kulang ngayon ah, walang maingay.
"Nasaan nga pla si kuya ?" tanong ko kay mama. Oo, may kuya ako. Mamaya makikilala n'yo din siya.
"Asan nga ba yung kuya mo na un?", my mama asked me XD As if naman na alam 'ko. Tss
Pagkatapos naming kumain, maghugas ng plato. Saka namin hinanap si kuya, si kuya nga naman oh. Alam naming malaki na si kuya pero ito si mama, grabe lang. Hindi naman mapapahamak 'yon, marunong lumaban eh. Kaya, kung nasaan man siya okay lang 'yon. Safe na safe siya.
"Ma, tingnan ko dito." tumango naman si mama, saka naghanap sa kung saan-saan. Pumasok ako sa computer shop na nakita 'ko at panigurado na nandito siya. Naglalaro ng DOTA.
At hindi nga ako nagkamali..
'Wooooh!! Talo ka na naman kup** ka!!" alam 'ko na na si kuya 'yon, pananalita pa lang alam 'ko na. Pumunta ako kung saan siya nakapwesto, kanalbit ko siya,
"Kuya, uwi na daw." sabi ko sa kanya.
"kuya, uwi na daw!" pang-aasar ng mga kalaro niya.
"Wait lang, tapusin ko lang 'to." sabi niya sakin without looking at me.
"Miss, pwede ka ba?" tanong nung nanonood sa kanila. Yuck lang!
"No." sabi ko kay koya na amoy araw pa with irap pa.
"Taray mo naman! Tinatanong 'ko lang kung pwede ka eh! Oo at hindi lang naman ang isasagot mo ah!" sinigawan pa ako ni koya amoy araw plus amoy kanal na hininga. Tsk, hindi ba siya marunong umintindi ng ingles? -.-
Tumayo na si kuya tsaka ako hinawakan sa wrist ko, "Wait lang kuya. Bibigyan ko lang siya ng matamis kong sagot." binitiwan naman ako ni Kuya saka ko hinarap si koya.
"Sumagot ako! NO! N-O" bahagyang sinulat ko pa 'yong N-O sa ere ng maintindihan niya at pasigaw kong sinabi sa kanya ang mga katagang 'yon, "And wait, you don't have the rights to shout at me. Ano ba kita?" I walked out. Nga-nga siya ngayon dun habang kinakantyawan siya dun.
"Tara na, kuya." I saw my brother smiling at me, HAHA! That's my other side na bihira ko lang ipakita. May tamang oras para ipakita ko ang ugali na yan, kapag nababastos na ako at nalalaman ko na dina-down na ako. Masama akong magalit.
Lumabas na kami ng computer shop, "okay yan" nilagay ni kuya 'yong braso niya sa leeg ko, tsk >__< na parang niyayakap niya ako, yung dalawa ko namang kamay nakalagay sa braso niya.
"Kuya naman eh." >__<
*bahay
Nakita na lang namin si mama, na nakaupo sa sala at naonood ng TV. Sitting pretteh ang nanay ninyo. Hahaha
Bago ko makalimutan, ipapakilala ko pa sa inyo si kuya. James Muñoz, 20 years old. Gwapo, halos lahat ng mga nagiging kaibigan ko nagiging crush siya, pero hindi naman lahat. Singer, baka kapag kumanta 'yan ma-inlove pa kayo and gitarista din. Maalagang kuya ^^
Super close ko yan si Kuya lalo na kapag kalokohan pero minsan hindi kami magkasundo. Pero minsan lang 'yon. Ka-ugali niya 'yong papa namin.
Si papa, namatay na. Dahil sa plane crush.
Sa Bicol kami dati nakatira, layo di ba?
"James at Ches tulog na at may pasok pa kayo bukas" -mama
Umakyat na kami sa taas malamang naman sa baba di ba? Pumasok na kami sa kwarto namin para matulog na.
Hanggang sa pagtulog 'ko di pa rin siya maalis sa isipan ko. Sino ka ba talaga Mr. Adrian Cruz? Napaka mysterious mo! Tsk >___<
Familiar talaga ung pangalan niya. Alam 'kong parang sirang plaka na ako dito dahil paulit-ulit ako ng salitang 'familiar'
Nakilala ko na siguro siya. Baka naging parte na sya ng buhay ko. Hay, ewan. Matutulog na lang ako.
Who are you? Please
BINABASA MO ANG
Catching Feelings -- Chapter 36[EDITING] .
Teen FictionA girl named Franchesca Muñoz, transferred to her new school. She encounters a lot of people there and she met her childhood friend. Her childhood friend named Adrian Charles Cruz, felt in love with her but he can't confess his feelings with her. He...