Chapter 13.

150 1 1
                                    

~Chesca's POV~

SUNDAY

Normal na araw lang ngayon pero magsisimba kami ngayon kasama 'yung pamilya 'ko. Kasalukuyang nakahiga pa din ako sa kama 'ko. Ang hirap talagang bumangon lalo't na puyat ka. Hindi 'ko din alam kung bakit ako puyat eh. Adik lang talaga ako ^__^

"Chesca!!!!!! Bangon na at tanghale na!!" sigaw sa'kin ni mama galing sa baba =___= 

Bumangon na ako kahit na labag na labag sa loob 'ko. Inaantok pa ako tae =___=" Grabe, tanghali na daw eh 8:15 pa lang ng umaga, ay grabe. Nagpunta na ako sa banyo namin dito sa taas. Naligo, nagtoothbrush, at nagbihis. Nakakatamad kumilos 

 Pagkatapos 'kong gawin 'yung morning ritual 'ko, bumaba na ako at dumiretso na sa hapag. 

"Ohayou gozaimasu minna-san!!" bati 'ko kina Kuya at Mama. 

"Ano bang pinagsasabi mong bata 'ka?" tanong ni mama habang nagpreprepare ng gatas namin ni Kuya. 

"Sabi niya," nag-ehem muna siya, ""Good morning everyone!!" Hahahaha" pinaliit niya lang naman ang boses niya at ang sakit sa tenga. Pramis -___-" At tumawa pa siya. 

"Hay nako Chesca, tigil-tigilan mo nga muna ang panonood ng anime. Stop ka muna, tingnan mo eye bags mo oh, ang laki." nilagay niya yung dalawa(kaliwa't kanan) niyang daliri sa ilalim ng mata 'ko. Tapos tumatawa pa siya. Inalis ko yung daliri niya.

"Oo na..." kaya pala ako puyat nanood pala ako kagabi ng anime. Hahaha,sabi sa inyo eh. May sira na yung tuktok 'ko hindi 'k alam kung bakit ako puyat. Hayyy. Kumain na lang ako dito. Pagkatapos naming kumain umalis na kami at nagpunta na sa simbahan.

Amen.....

Tapos na 'yung misa at uuwi na kami. Pero ang daming nakaharang sa harana at gilid namin kaya hindi ka agad makaalis dito. 

"Mare?" kinalabit lang naman ni mama 'yung babaeng nasa harapan namin. Tapos lumingon yung babae at nagulat ako kasi sina Tita Fely. 'Yung pamilyang Cruz nasa harapan namin, Adrian, Tito Ismael. 'Di pala sila buo, wala si Ate Megan eh. 

"Nandito din pla kayo? Nagsimba din ba kayo?" malamang oo Tita. 

"Namili lang kami dito ng makakain at nanood din ng sine. Obvious naman na nagsimba kami." tumawa silang dalawa. Si Mama, marunong mamilosopo. Nahawa na kay Vice Ganda. 

"Adrian, asan si ate mo?" tanong ni Kuya kay Ian. 

"Wala eh, may klase siya kahit Linggo. Bakit?" 

"Wala lang, hehehe." napakamot naman si Kuya sa batok niya. Ako na walang kausap dito =___=

"Sige Fely and Ismael, uwi na kami. Magluluto pa ako ng pangtanghalian namin eh." 

 "Sabay na kayo sa'min. Let's bond. Tagal na nating hindi nagbobonding eh." 

"Pero---" 

"No buts. Sakay na." sabi ni Tito Ismael kay Mama. 

Sumakay na kami sa van nila Ian. Pumunta kami sa mall. Okay, mall again =__= Yaan na nga. Nandoon daw kasi 'yung restaurant nila eh. Ang yaman talaga nila. Sila na talaga!

Ito namang si Kuya kanina pa tahimik, nakikinig lang sa cellphone niya ng music. Wala kasi si Ate Megan eh,tsk tsk tsk tsk. 

Pumunta na kami ka agad dun sa restaurant na tinutukoy ni Tita, kumain kami dun tapos sila nagkwentuhan. 

Catching Feelings -- Chapter 36[EDITING] .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon