Chapter 3: Kadenang Panaginip

2.6K 4 2
                                    

Nang ako’y nakauwi, kumain ako ng aking hapunan. Habang kumakain ay hindi ko matanggal sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Anna kanina. Napapaluha na lamang ako sa tuwing naaalala ko kaya’t iniwasan ko munang alalahanin ang mga pangyayari kanina. Pagkatapos kumain, wala na akong ibang ginawa. Dumiretso kaagad ako sa aking higaan at natulog.

                *Hampas ng hangin bumubulong sa aking tenga*

“Anong nangyayari?” pilit kong tinatanong ang sarili ko nang naramdaman ko ang hangin.

Bigla akong nagising sa isang mabatong bundok. Tumayo ako at tinanaw ko ang paligid. Ako'y nagulat na lamang ng matanaw ang isang tanawin na tila isang paraiso. Isang gubat na napakaganda, punung-puno ng nakakamanghang tanawin. 

"Ang gandaaaa!!!" aking isinigaw sa tuktok ng mabatong lupain na aking tinatayuan. Nag-echo sa paligid ang aking boses. Pagkatapos kong marinig ang sarili kong boses na paulit-ulit na nage-echo sa tanawin na iyon, nagpasya akong tumalon sa tubigan sa ibaba ng bundok. Kay lamig ng tubig nang ako'y bumagsak! Habang ako'y nagsi-swimming ay nangangatal ako sa lamig kaya umahon ako bigla at umalis kaagad. Hinubad ko ang aking basang t-shirt at piniga ang tubig upang ito'y matuyo.

Pagkatapos ng ilang oras, naglakad-lakad ako sa kagubatan, hanggang sa marating ko ang isang malaking treehouse. Narinig ko na naman ang paos na boses ni Anna, kumakanta mula sa loob ng bahay. Gusto kong malaman kung siya nga ba talaga ang boses na naririnig ko, kaya hindi na akong nagdalawang-isip na akyatin ang nasabing bahay.

Hingal na hingal ako ng maabutan ko ang tuktok. Kinatok ko ang pintuan, inaasahang makikita ko ang mukha ni Anna. Maya-maya, mayroong nagbukas ng pintuan, at... ako'y nagulat nang makita ko si Anna mismo! Siya nga ang nagbukas ng pintuan!

"Gerald. Ikaw pala yan!" sinabi niya sa akin, nakangiti as usual.

"Anna... totoo bang ikaw yan?" tanong ko sa kanya sapagkat hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari dito sa lugar na ito.

"Oo, Gerald. Ako nga ito."

"Talaga lang ah.. kasi hin---" Bigla niya na naman akong hinila! Ngayon naman, tumatakbo siya habang hawak ang aking braso, at tumalon pataas ng langit. Nakakabilib ang ginawa niya, dahil lumulutang kami sa ere! Sa ginawa niyang yun, ako'y nagulat ngunit hindi man lang ako nakaramdam ng kahit anong kaba o takot sa tuwing titingin ako sa baba. Pakiramdam ko sa oras na yun, mahahawakan ng aking palad ang langit dahil napakaganda ng alapaap nang lumipad si Anna. Binaba niya ako sa isang bundok na gawa sa salamin.

"Anna,"

"Ano yun, Gerald?"

"Gusto kong itanong sa iyo, ba't mo ako dinala rito sa lugar na ito?" aking tinanong sa kanya.

"Hindi kita dinala rito, Gerald. Isa itong panaginip, lahat ng bagay na hindi mo inaasahan mangyayari. Tulad nito, 'dinala' kita dito," kanyang sagot.

"Pa, pa-- panaginip?!"

"Oo. Lahat ng ating mga panaginip ay mayroong makabuluhang simbolo na kumakadena sa atin sa ating paggising. Lahat ng mangyayari ngayon ay konektado sa mga pangyayari sa gising mong mga mata,"

"Hindi ko maintindihan, Anna. Pasensya pero hindi ko talaga maintindihan," aking sinabi, hiyang-hiya dahil wala talaga akong mapigang kaalaman mula sa kanyang mga salita.

Eskwela PantasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon