Matapos ang ilang mga araw, nagkaroon din kami ng oras ni Billy upang maka-gala. Nang sumapit ang September, pinag-usapan namin ang aming lakad sa dismissal time namin ng Biyernes. Nakaupo kami sa isang bench nang kami’y mag-usap.
“Billy paano yung lakad natin bukas?” tanong ko sa kanya.
“Ngayon ka lang nagtanong?” sabi niya habang tumatawa.
“Eh sorry naman, madami kasing conflict sa schedule ko eh. Pero bukas sure na ako.”
“Hah. Talaga lang ah?”
“Oo naman, pero saan tayo tatambay nito?”
“Sa McDo siguro? Dun lang ang malapit na pwedeng pagtambayan eh.”
“Ahh sige-sige.”
Pagkatapos ng aming pag-uusap ay nagsi-uwian na kaming dalawa sa aming mga tahanan. Inipon ko na rin ang aking mga perang naipon sa aking alkansya. At natulog ng maaga para sa aming lakad bukas.
Nagkita kami ni Billy sa eskwela kinabukasan.
"Billy, dre! Kanina ka pa ba naghihintay?" tinanong ko siya.
"Baliw, isang oras na yata akong naghihintay dito pare."
"Ayy sorry, haha!" nag-sorry ako sa kanya. Pinaghintay ko pa siya, haha!
Pagkatapos naming mag-usap ay sumakay na kami sa isang tricycle at nagpahatid papunta sa McDonalds. Nakarating kami doon sa loob ng sampung minuto. Nag-order ako ng fried chicken para sa aming dalawa. Habang kumakain kami, nag-usap pa rin kami.
"Kilala mo naman siguro ang mga kaklase ko, diba?" tanong niya sa akin.
"Oo, siguro? Bakit?" tanong ko rin sa kanya.
"Hahaha wala lang."
"Halatang walang magawa noh, dre? Hahaha."
"Hahaha wala lang akong maisip na topic eh."
"Ay ganun ba? Tamang-tama may tatanungin ako sayo." aking sinabi.
"Ano yun? Kung sasagutin na kita? WHAT THE F, DRE?! Bumibigay ka na talaga, haha!" sabi niya ng pabiro, na medyo nakakainis.
"Hayys, adik ka talaga dre kahit kelan."
"Hahaha sensya dre, medyo sabog lang. Seryoso na ko, ano yung tanong mo?"
"Seryoso ka na talaga ah?" muling tanong ko, panigurado lang.
"Mukha pa ba kong nagbibiro nito?"
"Hahaha gege, eto na nga. Tungkol kasi ito sa isa sa iyong mga kaklase," aking sinabi ng mabagal.
"Hmm... yan ka na naman dre. Magkaka-crush ka na naman tas masasaktan ka uli."
"Crush nga lang, diba?"
"Hahaha sa bagay," sabi niya.
"Sino yung palagi kang inaasar na bakla?"
"Ahhh!!! Si Avalynn ba?"
"Avalynn??" tanong ko.
"Yung lagi ngang nang-aasar sa akin! Maputi siya para sayo noh?"
"Uhh... oo."
"Siya nga. Hahaha"
"Ahh... Avalynn pala ang pangalan niya. Ang cute," sabi ko sa sarili ko.
"Ang hilig mo sa mga mapuputi, pare! Kapal mo, haha!"
"Parang ikaw, di ka mahihilig sa mga maliliit ah?"
"Hahaha sa bagay."
Avalynn pala ang kanyang pangalan. Matagal ko na rin gustong malaman ang pangalan nung babaeng yun. Napapansin ko kasi siya palagi tuwing recess at lunch time namin sa eskwela, laging inaasar si Billy. Ang ganda kasi niya, tila isang bitwin na nangniningning, nagliliwanag ng paligid sa tuwing aking nakikita. Buti naman kilala siya ni Billy. Hahaha! Pagkatapos namin tumambay sa McDo ay umuwi na kami.
BINABASA MO ANG
Eskwela Pantasya
Novela JuvenilAng pumasok ng eskwela ay masaya. Minsan, malungkot o kaya naman nakakatanggal ng saya para sa ibang mga estudiyante. Paano kung ang iyong buhay eskwela ay binibigyang kahulugan ng isang pantasya? Tila nababalot ng talinhaga ang bawat kilos mo? Sama...