Chapter 7: Pagbago

592 1 0
                                    

Matapos ang ilang araw sa eskwela, sumapit ang aming sem break, ang mga araw ng pahinga mula sa pag-aaral. Medyo naiinggit ako sa mga iba kong kaklase kasi kahit maulan ang mga araw na ito, nagagawa pa nilang gumala. Para bang umuulan ng apoy sa buong paligid ngunit gawa sa bakal ang aking mga kaklase kaya't hindi sila natatablan ng apoy. Hayys.

Araw-araw akong nasa bahay, parating bored at walang magawa. Malas pa nga, dahil kung kelan pa matatapos ang sem break, bigla akong nagkaroon ng isang sakit na kung tawagin ay Chicken Pox. Badtrip talaga to, dahil lalo akong na-bored dito sa bahay. Hindi na nga ako umaalis ng aking kama nung nakuha ko itong sakit na to, dahil nahihilo ako tuwing gagalaw ako. 

Miss ko na ang aking mga kaibigan, sana okay lang sila.

Isang araw, nang ako'y natutulog, nanaginip ako, na ako daw ay naglalakad sa isang daanan sa disyerto. May hawak akong isang tungkod at tinatanaw ko ang palubog na araw. Hindi ako tumitigil sa paglalakad dahil nasa isip ko ay ang kung ano ang aking mararating sa paglalakad kong yun. Pagkatapos kong mapaginipan yun, halos araw-araw ko nang mapaginipan yun hanggang sa gumaling ako ng onti. Meron pa rin akong spots na makiktia sa aking balat, pero nagdamit ako ng mahahaba para hindi makita at para maiwasan din ang impeksyon.

Pumasok ako ng eskwela kahit hindi pa ako gaanong magaling. Miss na miss ko na kasi ang aking mga kaibigan. So, nang makarating ako ng eskwela, pinapila ako kasama ng mga na-late kong mga schoolmates. Late din ako nung oras na yun. Teka... hindi ba si Anna itong nasa harapan ko? Parang ang laki ng pinagbago ng kanyang pisikal na itsura. Makausap nga para malaman ko kung siya nga yun.

"Anna," aking sinabi sa kanya.

Lumingon siya sa akin, pero wala na sa kanyang mukha ang inaasam kong ngiti. Hindi ko na nakita sa kanya ang ngiting palagi kong nasasalubong bago ang sem break. "Ano nang nangyari? Marami ba akong nalampasang mga pangyayari?" agad kong tinanong sa sarili ko.

Sinalubungan ako ng bati ng aking mga kaklase. "Welcome back, Al!" bati nila sa akin. Nakipag-apir pa nga sa akin si Misa bago ako pumasok ng aming silid-aralan.

"Oy, Gerald! Long time no see pare," sabi sa akin ni Tristan.

"Oo nga eh, na-miss ko kayo ng lubos," sabi ko sa kanya.

Nakita ko si Megan at makikipag-apir sana ako. Kaso tumakbo siya palayo sa akin.

"Anubayan, sister! Alam mo namang allergic ako sa dala mung churva eeeh! Lumayu ka sa aking pechay ka!" sigaw niya sa akin habang lumalayo.

"Oh, anyare sa yo?" tanong ko sa kanya.

"Hahaha takot mahawa si Megan," sabi sa akin ni Ash.

"Hehe, sa bagay. Na-miss ko kayo, Ash."

"Miss ka na nga naming lahat eh," sabi niya sa akin.

"Kaya nga Gerald. Miss ka na namin," biglang sinabi ni Rodolfo sa akin.

Grabe, ang dami palang concerned para sa akin. Hindi ko inaasahan to. Ngunit hindi matanggal sa isip ko ang mukha ni Anna kanina. May nagawa ba ako sa kanya? Okay naman kami bago pa man mag-sem break eh, ano bang nangyari sa kanya? Hayys. Ang hirap ng ganitong sitwasyon.

"Pre?" may tumawag sa akin.

"Ui Rodolfo! Ikaw pala yan," sabi ko sa kanya.

"Oo, eh mukha ka kasing malungkot ngayon."

"Hindi ah," deny ko.

Lumapit din si Ash sa amin.

"Gerald, mukha kang malungkot ngayon?"

"Pati ba naman ikaw?" tanong ko kay Ash.

"Ano bang problema, Gerald?" tanong nila sa akin.

"Hayys. Sige na nga," sasabihin ko na sa kanila. "Kanina kasi, bago ako umakyat, pinapila ako kasama ang mga na-late. Tas nasa harapan ko si Anna. Tinawag ko siya tas nung tinignan niya ko, hindi na siya nakangiti. Kitang-kita ko sa mukha niya na parang sawa na siyang makipag-usap sa akin. Wala naman akong nagawang masama eh. Sa isang iglap parang nagbago na siya. Bakit ganun?"

Eskwela PantasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon