Chapter 2: Mga Unang Araw Sa Eskwela

3.3K 3 2
                                    

Sa mga sumunod na araw sa eskuwela, nakisama ako sa aking mga kaklase sa kanilang mga kalokohan sa loob ng silid-aralan. Naging ka-close ko kagad ang new student naming si Jamil Hilaheal. Isa siyang lalaking  na mayroong mapanganib na pamumuhay. Lagi siyang late, kumakain siya sa loob ng klase, nang-aasar siya ng mga guro, at mahilig siyang mang-vandal hindi lang sa mga upuan kundi sa pader. Palagi pa nga siyang kasama sa mga suntukang nagaganap sa labas ng eskuwela, pero isa siyang mabait na tao. Kahit na medyo loko-loko siya, imposibleng kampon siya ng kasamaan.

Syempre, may kalokohan din kami ni Tristan. Minsan pag walang guro,  mambabato kami ng papel sa aming mga kaklase tas mambibintang ng ibang tao. Hahaha! Palagi kaming laughtrip sa silid-aralan namin. Pero ang mga na-enjoy kong moments ay ang ilang mga oras sa recess at lunch namin. Minsan, nagkakatabi kami ni Anna sa pagkain, at sobrang saya kong makausap siya. Feeling ko ang swerte-swerte ko everytime na kakain kami ng sabay. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero masaya talaga ang feeling!

Isang araw, ang section namin ay kinailangang pumunta ng library para mag-research para sa aming assignment. Sa loob ng library, kinausap ko ang isa kong kaklase na katabi ko sa mesa.

“Yo, busy ka yata sa pagbabasa ah,” sabi ko sa kanya.

“Hindi eh. Ayoko nga magbasa eh, boring masyado!” sinabi niya.

“Hahaha! Adik ka talaga.”

“Sinabi mo pa. Isa nga ako sa mga sikat sa kalokohan dito eh.”

“Weh?” tanong ko. Proud siya sa titolo niya eh, na sikat dahil sa kalokohan!

“Ayaw maniwala? Siya nga pala Gerald, ako si Rodolfo Despacho.”

“Espanyol ka ba?” tanong ko.

“Hindi,” sagot niya.

“Eh ba’t parang pang Mexicano pangalan mo? Mukha ka pang rabbit.”

“G***! Pinangalan lang kasi sa akin to ng lolo ko.”

“Ahh.. sensya ah. Curious lang kasi ako eh.”

“Okay lang yan, medyo sanay na naman ako eh,” sabi niya.

Hmm.. Rodolfo Despacho. Ang haba ng pangalan niya, maaalala ko pa ba kaya to? Hahaha sana. Teka, tinawag niya yung isa niya pang katabi.

“Gerald,” tinawag niya ko.

“Oh?”

“Kaibigan ko nga pala, si Ash Robinson,” pinakilala niya sa akin ang kaibigan niyang nakasalamin.

“Hello po.” Sabi ni Ash sa akin.

“Hi din!” binati ko.

Nagkakilala kami sa loob ng library. Hindi na namin ginawa ang pinapagawa sa amin ng guro namin. Tutal, dismissal time na naman pagkatapos nito eh. Hahaha! Hinintay namin na matapos ang period. Nang matapos, kinuha ko ang aking bag sa labas ng library tapos naglakad palabas.

Bago pa man ako makalabas ng gate, may tumawag sa akin.

“Gerald!!” aking narinig.

Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko si Anna, tumatakbo papunta sa akin. Oh my glob! Bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita ko siya. Ano kaya sasabihin niya sa akin? Grabe, bigla akong kinabahan!

“Umm.. hello, Anna,” aking sinabi, pilit na itinatago ang kaba.

“Hi Gerald,” bati niya.

“May sasabihin ka ba?”

“Uuwi ka na ba?”

“Siguro, bakit?”

“Pwede mo ba ko tulungan sa takdang aralin namin?” tanong niya.

“Sure! Why not?” sagot ko kahit hindi ko alam kung ano ang assignment niya.

So, umupo kami saglit sa isang bench tapos tinulungan ko siya sa kanyang assignment  sa Math, ang subject na hindi ko magets-gets. Nagpanggap ako na alam ko ang aking ginagawa, at ako na rin ang sumagot sa kanyang takdang aralin, mapahanga ko lang siya. Sana lang tama mga sagot ko.

Habang sinasagutan ko ang kanyang takdang aralin, nasabi ko sa sarili ko na madali lang pala ang kanyang takdang aralin. Akala ko naman mahirap. Patuloy ako sa pagsagot habang kami'y nagu-uusap. Maya-maya ay natapos ko din.

“Salamat ah!” nagpasalamat siya nang iabot ko sa kanya ang kanyang notebook.

“Walang anuman, Anna,” aking sinabi ng nakangiti.

Bigla niyang hinila ang aking kamay.

“Uy, anong gagawin mo sa akin?!” bigla kong tinanong.

“Samahan mo ko maglakad pauwi, Gerald. Sige na?” sabi niya sa akin.

Hindi ko rin naman siya matiis kaya pumayag nalang din ako. Lumabas kami ng gate at sinabayan ko siya maglakad pauwi. Habang naglalakad, nagbago na naman ang aming paligid! Mula sa daanan, lumabo ang aking paningin. Wala akong makita-kita hanggang sa luminaw ulit ang aking mga paningin. Nakakakita na ulit ako, ngunit wala kami sa labas ng eskwelahan. Napunta kami sa isang beach, na kung saan naglalakad kami sa tabing-dagat. Dahil dito, pilit kong sinasabi ko sa sarili ko na hindi ito ilusyon, kasi pangalawang beses na itong nangyari, ngunit sinamantala ko na ang oras na yun upang aminin sa kanya ang aking nararamdaman. Medyo weird lang isipin na naglalakad kami sa tabing dagat ngayong oras na ito, pero hindi ko talaga alam kung ano nang nangyayari sa paligid.

“Anna,” sabi ko.

“Ano yun, Gerald?”

“May nais lang akong ipagtapat sayo.”

“Huh?” sabi niya. Hindi niya inaasahan ang gusto kong sabihin, pero...

“Simula nang makita kita, biglang nagbago ang aking mundo. Isa man akong estranghero nung una ngunit nung nakilala kita, feeling ko biglang lumiwanag ang mundo, tila isang anghel na yumayakap sa akin. Tuwing tayo’y nagkakausap, hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, ngunit mas nagiging malapit ang puso ko sayo. Masaya ako dahil nakilala kita, Anna.”

Nanlaki ang kanyang mga mata. Hinawakan ko ang kamay niya at lumuhod sa harapan niya.

“Maaari bang maging tayo, Anna?” aking sinabi, tinitiis ang kaba’t panginginig. Hindi makapagsalita si Anna. Kitang-kitang speechless siya dahil sa aking ginawa. Siya’y naluha, at sinabi sa akin,

“Pasensya Gerald kung masasaktan ko ang damdamin mo, ngunit mahal kita bilang isang kaibigan lamang.”

Isa sa mga masakit marinig mula sa bibig ng isang babae, oo. Dahan-dahan akong tumayo at binitawan ang kamay niya. Pinipigilan kong lumuha dahil kailangan kong maging matatag sa harapan niya. Sinabi ko na lang sa kanya..

“Naiintindihan ko, Anna. Pasensya na din kung nabigla kita ngayon.”

Pagkatapos ng pangyayaring yun, pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa bumalik sa dati ang paligid. Ang paligid ay bumalik sakto sa harapan ng bahay ni Anna. Nagpaalam na siya sa akin, at pumasok na ng kanyang bahay. Umuwi na rin kagad ako. Nilakad ko ang daan pauwi kahit na naluluha ako dahil sa kanyang mga binitawang salita. Akala ko pa naman magiging maganda ang kalalabasan ng pag-amin ko sa kanya ng aking nararamdaman. Hayys, pag-ibig nga naman, minsan masakit kapag umasa ng sobra.

Eskwela PantasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon