Skip na natin ang aking kwento, magsisimula uli tayo sa oras nang matapos ang pag-gunita ng Bagong Taon, dahil wala naman masyadong nangyari sa akin sa mga oras na yun maliban sa mga pantasyang napupuntahan ko.
Nang makabalik ako sa eskwela, napakaraming poster na naka-display sa mga pader ng eskwela. Binasa ko ang isa sa mga ito, at ito ang nakasaad:
2012 BATTLE OF THE BANDS AUDITIONS
Do you have what it takes to rock this school? Join now and you could win P**** cash prize and play for the upcoming JS Prom! Auditions will be held on Friday, dismissal time at the stage. See you there, fellow students~!
Nakuha nito ang atensyon ko ah. Matanong ko nga si Billy at ang iba kong mga kaibigan kung gusto nila sumali sa Battle of the Bands, dahil gustong-gusto ko makasali.
Nang dumating ang recess time, kinausap ko siya tungkol dun,
"Yo Billy, ang daming poster tungkol sa Battle of the Bands noh?"
"Oo nga eh, ito siguro ang main event ng school," sagot niya habang kumakain.
"Speaking of which, why not sumali tayo? Magaling naman tayo maggitara eh," sabi ko.
"Nako, hindi tayo makakasali diyan. Kulang tayo ng members eh," sagot niya.
"Sigurado ka? Sayang chance dre!"
"Pasensya bro. Alam kong gustong-gusto mo sumali pero hindi talaga natin kaya to."
Hayys. Ayaw niya talaga sumali, kaya ibig sabihin nito hindi na kami makakatugtog sa stage. Nag-expect pa naman ako ng malaki, na makakatugtog kami ng mga kaibigan ko.
Nang makabalik kami sa aming klase, nakatulog ako sa aking pwesto dahil boring na naman ang subject namin. Haha! At ang pantasyang napuntahan ko ngayon ay kakaiba. Napadpad ako sa kalagitnaan ng sansinukob, at ako'y lumulutang na tila Superman ang aking paglutang. Inaabot ko ang mga bitwin... kasabay si Tristan, si Billy at ilang mga tao sa aking likuran. Nagising ako ng maabot namin ang isang munting bitwin. Ano kaya ibig-sabihin nito?
Lunch time, sumama ako kay Ash. Sumabay ako sa kanya papasok ng library ng eskwela.
"Oh Gerald, mukhang hindi mo yata kasama si Billy ngayon ah?" sabi niya sa akin.
"Oo eh. Tapos na kasi ako kumain kaya magbabasa muna ako ng libro," sagot ko sa kanya.
"Ganun ba? Sige, sabay na tayo."
Nagtabi kami sa isang mesa. Ang binabasa niya ay tungkol sa mga parte ng katawan ng isang tao. Mukhang enjoy na enjoy siya sa kanyang binabasa. Hehe. Samantalang ako, ang aking libro na binabasa ay tungkol sa mga panaginip. Naisip ko kasi na kailangan ko nang malaman ang ibig sabihin ng aking mga panaginip, dahil konektado ito sa mga pantasyang napupuntahan ko. Nalaman ko na konektado ang mga pantasyang napupuntahan ko sa mga mangyayari sa hinaharap, na kung ano ang simbolismo ng pantasya ay magsasalamin sa aking kinabukasan. Tama pala ang mga sinasabi ko.
Nang makalabas na kami ni Ash ng library, nakita ko si Tristan, tumatakbo palapit sa akin. Ano kaya sasabihin nito?
"Gerald! Pinsan," tawag niya sa akin.
"Oh ano yun Tristan?" tanong ko.
"Diba gusto mo sumali sa B.O.B.?"
"B.O.B.?"
"Battle of the Bands"
"Ahh.. oo kaso wala akong banda eh. Bakit naman Tristan?"
"Nakasali ako ng banda eh," sabi niya. Hindi nagsasabi tong si Tristan ah.
BINABASA MO ANG
Eskwela Pantasya
Fiksi RemajaAng pumasok ng eskwela ay masaya. Minsan, malungkot o kaya naman nakakatanggal ng saya para sa ibang mga estudiyante. Paano kung ang iyong buhay eskwela ay binibigyang kahulugan ng isang pantasya? Tila nababalot ng talinhaga ang bawat kilos mo? Sama...