Kinabukasan, nakapasok na ako ng eskwela. Hinatid ako ni mommy papunta dun, at nang masalubong ko ang aking mga kaklase, binigyan nila ako ng napakagandang ngiti.
Nag-practice kami sa basement ng aming eskwela para sa aming choric-speech. Ang aming bibigkasing ballad ay nagngangalang Ballad of A Mother's Heart na isinulat ni Jose La Villa Tierra. Lalagyan namin ito ng aksyon habang binibigkas namin.
Ballad of A Mother's Heart
...by Jose La Villa Tierra.
Nag-bow kaming lahat pagkatapos bigkasin. Tas aming itinuloy,
"The night was dark....
...for the moon is young,
and the stars were asleeeeeeeeeeeeeeep....
and rare, and rare, and rare, and rare, AND RARE!!!"
"Kulang pa yata ito guys," biglang sinabi ng aming president.
Nag-break muna kami para mag-isip pa ng ilang mga steps at mga ideas para mapaganda ang aming speech. Habang nag-iisip sila ay kinausap ako ni Tristan.
"Musta na, pinsan? Okay ka na ah?"
"Okay na naman, siguro..."
"Oh? Parang ang lungkot mo na naman?"
"Hindi ako malungkot. Pagod lang ako dahil sa aking sakit."
"Ahhh sa bagay. Ang dami mong na-miss eh!"
"Di obvious eh noh?"
Habang nag-uusap kami, biglang lumapit sa amin si Ash.
"Yo dre, long time no see ah?" sabi niya sa akin.
"Oo nga eh, na-miss ko na kayong mga kaibigan ko," sagot ko.
"Magaling ka na? Takot na takot pa rin lumapit si Megan sayo eh, haha!"
"Sabi ng doctor ko, okay na daw ako eh. Siguro naman magaling na ko."
"Sabi mo yan ah."
Pagkatapos ay pinabalik na kami sa aming pwesto upang mag-practcice. Nagpasya ang aming klase na next time na muna practicin ang actions dahil mahihirapan lang kami, kaya ieensayo muna namin ang aming pagbigkas ng nasabing piyesa. Buong araw kami nag-ensayo.
Lumipas ang apat na araw, nang ma-perpekto na namin ang aming pagbigkas ng piyesa, aming ginawan ng intro ang aming performance. Inilabas ni Eve ang kanyang talento sa pagtugtog ng keyboard, at gumawa ng isang rhythm na pang-senti. Isa itong rhythm na merong Am-F-G-Am chord progression. Tumugma naman ang kanyang nagawa sapagkat epic na nga pakinggan, bagay pa sa tema ng piyesa. Astig!
Habang tinutugtog ni Eve ang nasabing rhythm, naglakad kaming lahat papunta sa aming pwesto (single-file ang aming paraan), tas nang tumigil sa pagtugtog si Eve, binigkas na namin ang Ballad of A Mother's Heart. Okay, practice mode!
Matapos ang aming practice, pinag-usapan na namin ang aming costume dahil perpekto na namin ang lahat-lahat. Nag-suggest kami ni Ash at ni Rodolfo na dapat merong maga-acting na tila ginagawa ang sinasabi namin. Agree naman sila, kaya kinuha nila ang aming kaklaseng MVP sa basketball na si Carlos Andreas upang mag-acting, at ang kanyang partner ay si Misa. Sa una, ayaw nilang dalawa na umarte, ngunit majority wins ang aming kinonsider, kaya wala silang nagawa.
BINABASA MO ANG
Eskwela Pantasya
Novela JuvenilAng pumasok ng eskwela ay masaya. Minsan, malungkot o kaya naman nakakatanggal ng saya para sa ibang mga estudiyante. Paano kung ang iyong buhay eskwela ay binibigyang kahulugan ng isang pantasya? Tila nababalot ng talinhaga ang bawat kilos mo? Sama...