Chapter 11: Ang Resulta

391 1 0
                                    

"Astig mo dre!" puri sa akin ni Ash nang makababa kami.

"Salamat, Ash. Kaso, pangit performance namin eh," sabi ko sa kanya.

"Oo nga eh, nagkagulo-gulo kayo."

"Hayys, okay lang yan. Gagalingan namin next time," sabi ko sa kanya habang ako'y nakangiti.

Nilapitan ako ni Billy, mukhang malungkot. Bakit kaya?

"Yo dre, bakit umiiyak si Kaithlyn?" tanong niya sa akin. Nako, di ko rin alam, bro.

"Hindi ko rin alam eh. Bigla nalang siyang umiyak pagkababa namin ng stage."

"Hmm... Tara dre, alamin natin," pinipilit niya ko.

"Sigurado ka?" tanong ko sa kanya.

"Oo dre, tara na!"

"Oh sige, tara na nga bro."

Nilapitan namin si Kaithlyn, umiiyak sa isang bench. Nandun din si Helen, kinakausap siya. Nang makarating kami, tinanong ni Billy si Helen.

"Helen, bakit umiiyak si Kaithlyn?"

"Di ba obvious?! Epic fail kasi ang performance namin!" sinigawan niya si Billy. Nako, inis na inis na siguro to.

"Ahh.. sorry. Pwede bang... makausap si Kaithlyn?" tanong ni Billy nang mabagal.

"Pakausap mo na. May crush kasi yan kay Kaithlyn eh, haha!" binulong ko kay Helen.

"Ay ganun ba?! Sige, kausapin mo na Billy," agad niyang sinabi.

Tinabihan na rin niya ang aming drummer, habang nakatayo lang ako. Mao-OP ako nito, haha.

"Kaithlyn?" sabi niya sa kanya sa isang sweet na pamamaraan. Yiiiee!

Ngunit patuloy pa rin ang pag-iyak ni Kaithlyn, kaya tinuloy nalang din ni Billy ang kanyang sasabihin.

"Yung nangyari kanina sa inyo, yung epic fail niyo, okay lang yun. Alam mo namang nangyayari talaga yun sa lahat. Hinding-hindi maiiwasan yan. Kung feeling mo ikaw lang ang nagkamali, wag mong isipin yan. Tsaka, hindi ka naman nag-iisa ngayon. Andito ako, nasa tabi mo, sinusubukang pasayahin ka. Taha na, Kaithlyn, please? Nasasaktan ako pag nakikita kitang malungkot," sinabi ni Billy habang pinupunasan ang mga luha ni Kaithlyn. Ang sweet, haha!

"Oh Kaithlyn oh, may admirer ka na pala eh. Smile na dre!" dagdag ni Helen.

Ayaw pa rin tumigil ni Kaithlyn sa pag-iyak. Kaya wala nang nagawa si Billy, niyakap niya nalang siya! Grabe talaga itong kaibigan kong ito.

"Oh my god, Billy!" napasigaw si Helen.

Tinulak agad ni Kaithlyn si Billy paalis, habang sinasabing "Yuck!" Pero sa mabuting palad, tumigil na siya sa kakaiyak dahil doon. Nice.

"Yan ang magandang view, yung di ka umiiyak," sabi ni Billy sa kanya.

"Di nga umiiyak pero natakot naman sa mukha mo, Billy," asar ni Helen kay Billy. Hahaha natawa ako dun sa asar niyang yan.

Eskwela PantasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon