Naging masaya ang mga sumunod na araw sa eskwela. Ang aking katabi na si Tammy Prose, isang matalinong babae, ay palagi akong tinutulungan sa tuwing mayroong seatworks at homeworks ang klase. Naging close din kami ni Megan Locks, isang lalakeng mukhang babae, dahil marami din pala siyang alam sa larangan ng video games. Sa aking harapan nakapwesto ang pinakamagaling kumanta sa classroom na si Eve Celeron. Minsan nga ay nagpaturo ako sa kanya kumanta. Ang galing niya magturo dahil onti-onti akong natututo sa kanyang pagturo sa akin.
Kami naman ni Tristan, pinagpatuloy namin ang aming kalokohan sa loob ng silid-aralan, pero ngayon ay kasama na namin ang aming bagong mga kaibigan na si Rodolfo tsaka si Ash. Mas naging masaya ang buhay namin sa klase dahil may tropa na kami.
Isang araw, nagkaroon ang klase ng isang masayang proyekto. Kami ay pinasulat ng maikling tula, at lalapatan namin ito ng aming sariling tono. Excited ang lahat sa proyektong ibinigay, dahil ito ang type naming proyekto. Naging kagrupo ko si Tristan, si Eve at si Paul. Mayroon din kaming iba pang kagrupo na hindi ko pa masyado kilala, tulad ni Misa Volts, ang girlfriend ng pinakasikat na ka-batchmate namin na si Harry Miracle, at si Sienna Picarre, ang isa sa mga pinaka-malakas kumain na babae sa aming classroom. Masaya naman ang aming paggawa ng lyrics para sa aming kanta.
Dumating ang recess time. Pupuntahan ko na sana ang pwesto ni Billy upang pag-usapan ang galaan namin, nang may babaeng tumawag sa akin.
“Gerald!” aking narinig.
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Eve, tinatawag ako. Tinanong ko siya kung anong kailangan niya.
“Eve. Napapunta ka yata sa akin ah?”
“Oo, eh, kailangan na nating gawan ng tono yung tula natin para hindi na tayo mag-cramming sa mga susunod na araw,” sagot niya.
“Ahh ganun ba? Gusto ko sana kaso hindi ko dala yung gitara ko ngayon,” sabi ko.
“Manghihiram ako ng gitara, para makapag-practice tayo,” pilit niyang sinabi.
“Sige na nga.”
Pumuwesto ako sa bench na inuupuan ng aking groupmates. Habang hinihintay namin si Eve, tinanong ko si Tristan kung nagawa na ng aming groupmates ang lyrics. Kinalabit ko siya.
“Tristan.”
“Oh ano yun?” tanong niya.
“Tapos na ba yung lyrics?”
“Malapit na. Eto na nga yung mga natapos oh,” sabi niya habang inaabot sa akin ang kopya ng tula.
Binabasa ko ang tula at ako’y nagandahan sa aking nabasa. Para bang nararamdaman ko ang emosyon ng lyrics nung ito’y aking binabasa. Ilang minuto ang lumipas, bumalik na si Eve nang may dalang gitara.
“Eto Gerald oh, hiniram ko sa kaibigan ko. Ayan na,” sabi niya habang inaabot sa akin ang gitara.
Tinono ko muna ang gitara dahil napansin kong wala ito sa tono. Saglit ko lang ito tinono. Pagkatapos ay tinanong ko si Eve kung anong klaseng tono ang gagawin ko.
“Eve.”
“Ano yun?”
“Anong klaseng tono ba ang gagawin ko?”
BINABASA MO ANG
Eskwela Pantasya
Novela JuvenilAng pumasok ng eskwela ay masaya. Minsan, malungkot o kaya naman nakakatanggal ng saya para sa ibang mga estudiyante. Paano kung ang iyong buhay eskwela ay binibigyang kahulugan ng isang pantasya? Tila nababalot ng talinhaga ang bawat kilos mo? Sama...