Chapter 1: Pagtanaw

7.9K 9 0
                                    

Oras na naman para sa eskuwela. Excited na akong pumasok, kahit na kinakabahan ako na harapin ang aking mga kaklase. Meron pa kasing “Getting to know you” sa unang araw ng eskuwela eh. Hayys. At least makikita ko ulit ang aking mga kaibigan. Matagal na rin kaming hindi nagkita-kita, kaya excited na excited na talaga ako!

Sa aking paglakad papgunta sa eskuwela, ang paningin ko’y biglang nagbago. Habang naglalakad ako papuntang eskwelahan, unti-unting nagbabago ang paligid, at sa isang iglap napansin ko nalang na naglalakad na pala ako sa isang magubat na lugar. Laking gulat ko. “Ako ba’y nananaginip ng gising?” paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari, ngunit pinagpatuloy ko ang aking paglalakad dahil alam kong makakalabas ako sa lugar na yun, kailangan ko lang magtiwala. Habang ako’y naglalakad, may narinig akong paos na boses ng isang babaeng hindi malayo sa aking kinatatayuan, may sinasabi sa akin.

“Gerald... pasensya...” ang sabi nito.

Kilala niya ako! Sino kaya ito? Wala naman ako gaanong ka-close na babae sa eskuwela pati rin sa labas ng aking bahay. At bakit siya humihingi ng pasensya? Wala naman akong kilalang gumawa ng mali sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ipinahihiwatig ng ilusyon na ito, ngunit kailangan kong malaman kung kanino nanggaling ang boses na iyon. Kaya’t aking sinundan ang paos na boses. Tinakbo ko ang daan para mabilis ko itong maabutan.

“Gerald...” muli nitong tawag habang sinusundan ito.

Hindi ako mapakali. Binilisan ko ang aking takbo, at sa sobrang bilis ng aking takbo, ako’y nadapa. Aray! Tumama ang aking ulo sa lupa. Dahan-dahan kong itinaas ang aking ulo, at nagulat ako dahil pagdilat ng aking mga mata, nasa harapan na ako ng aking eskuwelahan! Isang ilusyon nga lang yata ang aking natanaw, pero hindi ko ito makakalimutan dahil first-time itong nangyari sa aking buhay. Paano kaya kung isa pala itong babala, na merong mangyayari sa akin sa eskuwela? Hindi ko rin masasabi. Tumayo ako at pinagpagan ko ang aking uniform, at pumasok na ng gate.

Napakaraming tao dito sa canteen. Dito naghihintay ang mga estudyante bago pumasok ng kanilang mga silid-aralan. Umupo ako sa isang bench, nang biglang may tumawag sa akin.

“Gerald! Uy Gerald!” sabi nito.

Tinatawag ako ng aking matalik na kaibigan na si Billy Felix. Abot-tenga ang kanyang ngiti nang makita niya ako.

“Yo Billy! Ikaw pala yan! Hahaha musta na?” sabi ko sa kanya.

“Eto buhay pa naman. Medyo boring summer ko eh,” kanyang sagot.

“Ay ganun ba? Awtie dre...”

“Eh ikaw pare? “

“Ganun din eh. Boring na boring talaga! Buti nabuhay pa tayo.”

“Hahaha sinabi mo pa!”

Tumawa kaming dalawa. Nag-usap kami ng matagal hanggang sa tumunog ang school-bell.

“Tumunog na ang bell, dre,” sabi ko sa kanya.

“Hindi obvious, haha!” sagot niya. Nakakapikon talaga itong sagot niya, pero okay lang.

“Punta na tayo sa ating klase,”

“Aw magkaiba tayo ng klase eh.”

“Ay ganun ba?” sabi ko, medyo disappointed dahil akala ko pa naman magiging kaklase ko siya.

Eskwela PantasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon