Kinabukasan ng unang practice namin, magpa-practice ulit kami sa studio pagkatapos ng klase. Pumunta ulit kami ni Billy at ni Tristan sa 7-Eleven upang hintayin sila.
Habang naghihintay kami, nag-usap kami habang kumakain.
"Gerald, matagal pa ba sila?" tanong sa akin ni Billy.
"Hindi ko alam pare. Atat na rin akong makita sila eh," sagot ko.
"Sila, o si Alice?" tanong niya ulit sa akin. Alam na alam niya ang nasa isip ko ah.
"Oo na, si Alice ang gusto kong makita."
"Yun oh!" biglang sinigaw ni Tristan sa likod ko habang kumakain ng candy.
"Haha, nakakatawa Tristan," binigkas namin ni Billy sa mapurol na pamamaraan.
"Sorry naman, nakikisama lang sa usapan," sabi niya.
"Pero seryoso, gusto ko ulit silang makita. Lahat sila. Come to think of it, ngayon lang tayo nakasama sa isang banda, edi syempre kaibigan mo dapat ang lahat ng kabanda mo, diba?" sabi ko kay Billy.
"May punto ka diyan, pareng Gerald."
"Yun oh!" umepal ulit si Tristan.
"Teka... yun na sila oh!" sinabi ni Billy nang makita sila Helen, Alice, si Mike at ang ilan naming mga members na bumaba. Kasama na naman si Enteng sa amin.
Agad kaming lumabas para kamustahin sila.
"Buti naman nakarating kaagad kayo," sabi ko sa kanila.
"Oo, eh traffic pa nga ng ganitong lagay eh," sagot ni Helen.
"Oh ano na? Tuloy na tayo sa studio?" tanong sa amin ni Enteng.
"Tara na, wag natin sayangin ang oras!" sigaw ni Mike at ni Alice.
"Sige. Tara tuloy na tayo, Cookies and Cream... at kuya!" Nagpasya na si Helen na tumuloy na kaming lahat sa studio.
Naglakad lang ulit kami patungo sa studio, at habang naglalakad, minamasdan ko si Alice. Mukhang masaya siya kasama si Mike ah. Ano kaya meron sa kanilang dalawa? Nang lumingon ako palayo sa kanilang presensya, nagbago na ang paligid sa aking mga mata. Ang aking mga nakita ay hindi maganda... naglalakad kami sa isang disyerto na kung saang may mga ibon na nalalaglag mula sa alapaap, hindi makalipad. Tingin ko ang ibig-sabihin nito ay negatibo. Hindi naman sa negatibo akong tao, pero kakaiba itong pantasyang ito. Nako... bakit kaya ganito itong paningin ko ngayon?
"Uy, Gerald. Parang ang lalim ng iniisip mo?" may nagtanong sa akin. Nagulat ako dahil sa kanya, at dahil dun bumalik na ako sa totoong mundo. Hayys, buti naman.
"Ahh eh.. wala lang. May iniisip lang ako pare," sabi ko sa kanya. Teka.. siya yung bassist namin ah. Hindi ko kagad siya nakilala dahil nagpagupit siya.
"Ahh ganun ba? Nag-aalala lang ako kasi dire-diretso ka maglakad, baka masagasaan ka eh."
"Alam ko yun."
"Siya nga pala, ako si Harold Stason, kung di mo pa ko kilala," nagpakilala siya.
"Ahh. Nice to meet you, Harold," nakipagkamayan ako sa kanya.
Habang naglalakad, nag-usap kami ni Harold tungkol sa aming mga buhay, aming mga hilig at ilan pang mga bagay para magkakilala kami. Sa kanyang itsura at ugali, mukhang mapagkakatiwalaan ko siya. Napakabait niya.
Nang makarating kami, nilapitan ni Enteng ang isang grupo ng mga lalaki. Siguro mga ka-batchmates niya ito.
"Guys, eto nga pala ang aking banda, the Burning Section!" sinabi niya sa amin. Wow, may banda din pala siya. Hindi ko inaasahan yun ah.
BINABASA MO ANG
Eskwela Pantasya
Teen FictionAng pumasok ng eskwela ay masaya. Minsan, malungkot o kaya naman nakakatanggal ng saya para sa ibang mga estudiyante. Paano kung ang iyong buhay eskwela ay binibigyang kahulugan ng isang pantasya? Tila nababalot ng talinhaga ang bawat kilos mo? Sama...