Panimula

18 5 2
                                    


Maaga akong nagising dahil sa malakas na sigaw ni Mama. Bumangon ako mula sa  higaan at tumungo sa kusina. Nakita kong nagluluto si Mama. Mas maaga pa siyang nagising kaysa sa akin diba? Ganyan siya ka alerto. Pagbaba ko sa hagdan, lumingon siya  sa akin at tinutok ang hawak niyang sandok.

  “Ikaw bata ka! Parang hanggang ngayon sembreak parin sa’yo? Mag grade 7 kana tapos ganyan ka pa? Dapat maaga ka nang gumising at ikaw na sana ang naghahain ng pagkain mo sa umagahan. Bilisan mo na diyan!” Ganyan si Mama. Umagang-umaga, nag ra-rap na. Kahit ako lang naman ang sinisigawan niya. Nasanay na ako noon para hindi naman ako maging tamad na every morning, kailangan pang gisingin. My mom usually shouting tapos dagdagan pa ng mga linyang hindi ko makalimutan. Siyempre, may trabaho pa siya e kaya inaasikaso niya ako. Hindi naman strikta ang mama ko. Sadyang tinuturuan niya lang talaga akong gumawa ng mga bagay na nararapat gawin. Ang ina ko ay sekretarya sa isang Kompanya na kung saan hindi puwede ang babae do’n pero pinili siya ng Papa ko na siya ang maging kasama niya kahit labag.

Parang palengke yaong bahay namin sa tuwing may pasukan. Sigawan dito, sigawan doon. Tatlo kami sa isang bahay. Nag-iisa lang ako na anak nina Daddy Carlo at Mama Jessie pero sa tuwing ginigising nila ako, hindi talaga mahina ’yong boses nila. Hindi malambing ang boses kapag nakikipag-usap.  Pero thankful ako sa Mama ko na siya ang naging ina ng tahanan dahil kahit na matigas ang ulo ko minsan, madalas niya akong inuuna kaysa sa sarili niya. Ako din ’yong babae sa bahay namin na madalas lang nagpapaganda. Of course , we are unique so, wala na silang pakialam kung maganda ba ako o hindi. It’s up to them.  Wala na akong dapat baguhin sa sarili ko dahil kilala ko ang sarili ko.

Agad akong tumungo sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ng uniform dahil siyempre, ikaw ba naman mag Ju-junior High na, di ka ba ma-excite? Pagkatapos, bumalik ako sa itaas at doon nagbihis.
Sabay kaming tumungo sa hapag nina  Mama at kumain. Inayos na ni Mama ang aking sapatos at uniform. Pagkatapos ay ipinahatid na ako.

You Are Dead But AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon