HE COURTING YANNA INFRONT OF ME
***
Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko nang biglang may kumatok sa aking kuwarto. Hindi ako nagtataka kung sino iyon dahil kilala ko na siya. Dali-dali akong tumayo mula sa aking inuupuan at tumungo sa tapat ng pinto. Binuksan ko na ito at bumungad naman ang mukha ni Mark dala ang paborito kong kape. Ngumisi siya sa akin sabay tingin sa aking likuran.“Ano ginagawa mo? Busy ka ba?” Sunod-sunod niyang tanong. I raised my brows and mold a smile on my face.
“Inaayos ko ’yong mga papers ko para sa trabaho ko sa Kompanya ng kaibigan ni Layla. ” Paliwanag ko sa kaniya. He just raised his brows at tumungo sa laptop ko. Tiningnan niya iyon at binasa.
“Gusto ko sanang lumabas, siyempre, sa shopping. Bibilhan ko lang ng bulaklak si Yanna. Ngayon kasi ’yong pangako ko na liligawan ko na siya. ” Napatigil ako sa tinuran niya. It’s Yanna— the person he loves and not me. Grabe, assuming lang siguro ako. The more I hide my feelings, the more I fall to him.
I had no choice kundi bigyan siya ng panahon at pagkakataon na paliligayahin si Yanna. Tumango na lang ako and fixed all my stuffs.
“Sige, tawagan ko nalang si Layla na mamayang gabi nalang ako pupunta sa kaniya. You can leave now. ” Wika ko at binigay sa kaniya ang susi ng sasakyan. Tumingin siya sa akin at tumayo.
“Sasama ka sa akin. Babae ka, kaya alam kong alam mo ang mga paborito ng babae.”
“P’wedeng huwag na? Dito nalang ako sa bahay. Maghahanda rin ako para mamayang gabi. ” Paalam ko sa kaniya. He clicked his tongue and pulled me up.
“Sasama ka, ihahatid lang kita mamayang gabi. It’s my job, kaya, kung saan ako, dapat nando’n ka. ” Napayuko na lamang ako sa tinuran niya. Hindi ko talaga gusto na sumama sa kanila ang tunghayan ang pagmamahalan nila. Napakamot nalang ako sa ulo ko at tumango.
Sumama na ako sa kaniya. Sa likuran ako umupo at hindi na tumabi sa kaniya. Nasa kalagitnaan ng daan pa lamang kami ng bigla siyang huminto.
“Dito ka umupo. ” He said and removed my bag at the front seat. I shake my head as a sign that I don‘t want.
“Mas komportable ako rito, tayo n--”
“Ngayon nalang Miahng, mas safety ka pag dito ka umupo. Bilisan mo, you’re wasting time. ” Pagmamadali niya. Agad naman akong tumabi sa kaniya at sinuot ang headset. Parang nawalan na ako ng gana but I just showed him that I don’t care, but actually, I felt dump and nothing after I know that he is courting someone. Tapos isasama pa ako.
I was staring outside, while holding my tears to pour. I will never be happy after this. As I didn’t notice, nasa Mall na pala kami. I looked around and it was organized-well. Agad kaming pumasok sa loob at namili ng bibilhin niya. He first took out the flower and chocolates. Dinala niya ito sa may cashier at binayaran.
“What do you think? ” He asked. I just sneered and smell those flowers.
He laughed and tapped my head, “ Lol, it’s man-made.”
“I know, I was just trying to smell if this kind of flower will give good odor even I know that it is man-made. Wala naman atang masama kung umasa sa wala, hindi ba?” He pouted. Hindi niya siguro naintindihan ’yong nais kong iparating sa tinuran ko. Sinubukan kong magconfess sa kaniya, but, there is something in me na palaging pumipigil na sabihin iyon.
“Saan ba kayo magkikita ngayon, baka madisturbo ko kayo.” Inunahan ko na siya.
“Nah, sa kotse ka lang. Ako na bahala kay Yanna. ” Paliwanag niya. I caressed my face.
BINABASA MO ANG
You Are Dead But Alive
RomanceMiah Dela Veda is a daughter of a CEO, she met Mark Warren at the University of Casimere where she often bullied by him. Would there be a chance na magiging sila? If magiging sila man, happy ending kaya?