Kabanata 12

8 1 0
                                    

        
Falling Into My Bodyguard 
***

“Gala tayo Miah!” Pagyaya sa akin ni Mark. “Para naman ma-enjoy mo ’yang life mo. Magpapaalam din sana ako na bibisitahin natin si Yanna. Ilang araw na kasi kaming hindi nag-uusap matapos no’ng sinagot niya ako. Kung okay lang naman. ” Himala naman ata at nakikipag-usap nang matino ito. Ngumisi ako sa kaniya at tumango. Since, hindi naman permanent ang pagpo-promote ng products sa Kim’s Company, and rest day din namin of course. Sinamahan ko na siya sa Mall upang mamili ng bulaklak. As usual, gano’n parin. Ako pa rin ’yong tagadala ng bulaklak na ibibigay niya sa cheater.  Akmang liliko na kami sa kabilang pasilyo nang napatigil si Mark. Hinayaan ko nalang muna siya at namili ng bulaklak dahil naisipan kong bigyan sina Mama. Minsan lang ’to.

“Mark, tara na!” Sigaw ko sa kaniya dahilan ng pagbaling niya sa akin. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako.

“ She cheated on me, ” hagulhol niya at mahigpit na yumakap sa akin.

“That’s okay, you’ll be fine soon. ” Aniko at niyakap siya pabalik. Hinaplos-haplos at tinatapik ko ’yong likod niya. Dama ko rin ’yong masaktan ng bigla. Hinila niya ako palabas ng Mall at tumungo sa kotse.
Tanaw kong tumutulo ’yong luha niya. His eyes filled with tears and he tried to stop it yet, hindi niya talaga mapipigilan. 

“Maging okay ka rin Mark. Iyan sana talaga ang gusto kong ipakita sa’yo no’ng nasa Bar ako. Kaso, wala e. ”

“Alam mo naman pala e, bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Bakit hinayaan mo pang magtapos sa ganito? ” His expresssion changes. Hindi na ata siya tumahan.

“You just makes everything worst, sana hindi nalang kita nakilala, Miah! Katulad ka rin naman ni Yanna hindi ba?” Napalunok ako sa tinuran niya. Ikinumpara niya na naman ako.

“Mark, just stay calm. Hindi ako katulad ni Yanna! Tsaka wala akong nilokong tao.”

“Ah, gano’n ba? Pwes, patunayan mo. ” Binilisan niya ’yong takbo ng kotse dahilan ng paglakas ng kaba ko. Parang na-nervous na ako sa ginagawa niya. Ayaw na ayaw ko ang ganito na parang mag ride to the hell na ako.

“Mark naman! P’wede bang kumalma ka muna?! Hindi por que nakita mo siyang may kasamang iba ay parang magpapakamatay ka tapos isasama mo pa ako, ayusin mo nga iyang buhay mo!” Tuloy-tuloy kong sigaw sa kaniya. Napapaos na ako sa kasisigaw sa kaniya. He looked at me and smirked.

“Damay-damay na ’to. ” Wala na talaga, palagay ko patay na ako.

Ang dali naming nakarating sa bahay. Parang ang flash lang.

Agad siyang bumaba sa kotse and suddenly slammed the door. Nakatitig lang ako sa kaniya habang papasok sa loob ng bahay. Hindi pa nga niya ako binati o pinansin. Ayos lang sa akin na gano’n siya, as long as, maheal niya ang sarili niya.

An hours ago, I decided to finish my work. Tumungo sa ako kwarto and I found him laying at my bed kaya hinayaan ko nalang. Sige lang Bodyguard, iiyak mo lang iyang sakit. Hinanap ko ’yong nilalagyan ko ng gamit but I found it beside Mark. Hindi ko siya puwedeng galawin, baka gigising ang ating disney Prince. Umupo nalang ako sa tabi niya. Until, he hold my waist and pulled me on his side. He hugged me tight as I couldn’t move myself from his hands.

“Yanna, just stay, ” usal niya. I tried to take off his hands but, it was twisted tightly. I closed my eyes at nagpalipas muna ng ilang minuto.

“I’m not Yanna. Pero nandito lang ako para sa’yo, kahit hindi naman ako ’yong gusto mo. Titiisin ko iyang kasupladuhan mo. Remember, I will wait you until the right time comes. Sleep well. ” Malambing na wika ko sa kaniya. I just minimize my moves. Ayaw kong gigising siyang si Yanna parin ang hahanapin. “As of now, ako muna ’yong mananatili sa tabi mo, sorry ha? Pero ito lang kaya ko e. I just want you to feel that I love you Mark. ” My heart beat fasts when he hold me tight.

Tumahimik na lang ako and I know that he is not listening to me. Tulog nga e.

My phone suddenly  ringing. Kinuha ko ito mula sa aking bulsa dahilan ng pagdilat ng kaniyang mga mata. Namumula ito at parang tumaas ’yong temperatura niya ng hawakan niya ako. Ayan, love life pa!

“Hello, this is Miah Dela Veda, model of Kim’s Company. What I can do for you?”

“CEO Park Kyung is looking for you. Pupunta ka raw dito mamayang alas 5 ng hapon para sa promotion. This is the last product para maipatayo na natin ang another building for the Casimere University. ” Wika pa ni Layla. I glimpsed on Mark. Parang may sakit ata siya at mahigpit pa ’yong pagkakahawak niya sa kamay ko. Mainit siya, nilalagnat ata.

“But Layla, I need to take care of Mark. May sakit siya e. Ayaw kong iiwan siya dito. ”

“Isama mo nalang kaya siy---”

“May sakit nga siya, kailangan ko ng magbabantay sa kaniya. ” Pakiusap ko.

“Ako na bahala sa kaniya. Dadalhan lang muna kita diyan ng magbabantay. Hanggang bukas lang naman e. ” Ani Layla.

“Okay, ” maikling tugon ko.

Hindi pa ako nakaayos ng sarili nang biglang may pumaradang sasakyan mula sa labas ng bahay. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko si Layla Vergarra na bumaba. Iniwan ko muna si Mark at bumaba sa hagdan. Agad kong binuksan ang pinto at ngumisi sa kanila. May kasama siyang babae. Siya siguro ang magbabantay kay Mark.

“Pasok ho kayo, ” magalang na wika ko sa kanila. Dinala ko sila sa may kusina at nag-alok ng kape. 

“Nasaan na si Mark?” tanong ni Layla.

“Nasa taas, natutulog. Siya naba ang magbabantay? ” wika ko sabay tingin sa babae.

Tumango naman siya. 

“Teka, may dala akong gamot dito. Cheska, ikaw na bahal kay Mark ha? Aalis na kami. ” Pamamaalam ni Layla. Tumango naman ang babaeng nangangalang Cheska at dinala ang kit. Inihatid ko muna siya sa kwarto. Naawa ako sa sitwasyon ni Mark. Siguro, dahil ito sa nakita niya kanina sa Mall kaya siya nilalagnat. Hindi ko kasi alam kong ano ang kalagayan ni Mark kasi ayaw ko rin namang gisingin siya at kulitin. I checked his temperature using thermometer at tumaas nga ang temperatura niya.

“Ikaw na bahala sa kaniya ha?” wika ko sa Maid na dala ni Layla at tuluyan nang umalis ng bahay.

You Are Dead But AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon