ARTICLE 246 CHAPTER 20

14 1 4
                                    

TITLE: Article 246 CHAPTER 20
"THE JUSTICE SERVED FINALE"
GENRE: Horror/ Mystery
SUB-GENRE: Murder/Fiction
WRITTEN BY:
Brokenstringguitar (Lira Luna)
©All rights reserved 2023

"Magandang araw detective Lagdameo, ikaw ang humawak sa kaso ni Flame Lennox at ng iba pang artista. Nais mo ba ibahagi sa hukumang ito kung paano mo nasabi na si Amanda Freaks ang kumitil sa kanila." Ani ng abogado ni Matias at Freaks ito ang unang nagtanong.

"Dahil mayroon siyang Disruptive behaviour and dissocial disorders, borderline personality dissorder at behavioral disorder"

"Sinungaling!!" Sigaw ni Amanda habang tinuturo siya.

Napangisi lang si Ezra habang tinitingnan si Amanda na nagwawala. Muling ipinalo ni Judge Lagdameo ang kanyang podium habang sinisigaw ang order of the court.

"Paano mo naman nasabi 'yan Detective? Hindi ba't dapat ang doktor ang nagsasabi niyan?" Maangas na tanong ng abogado kay Ezra.

Nawala lang ang kanyang angas nang ngumiti si Ezra.

"Hindi ko naman sasabihin ito your honor kung hindi ko alam".

"Bakit Detective doctor ka ba?"

Napangiti naman si Ezra, napatingin siya sa mga magulang at kay Vhee na nakatango lang. Tumayo siya at may kinuha sa bulsa at ipinakita sa abogado ni Amanda.

"Detective Ezra Heldigard Veda Asoncion-Lagdameo MD." Walang emosyong pagpapakilala ni Ezra sa sarili. "Isa akong Doktor ng Mental Care International Hospital of Mental illness kung saan si Amanda unang nagpatingin." Dugtong pa niya.

Halos nagulat ang lahat maliban kay Vhee at Unknown. Wala kasing nakakaalam kung sino at ano ang tunay nilang pagkatao. Umupo si Ezra nang walang nakuhang sagot mula sa abogado saka napatingin sa gulat na gulat na si Matias at Amanda.

"May nais ka pang itanong... Your honor?" Tanong niya sa abogado ni Matias.

Parang napapitlag naman ang abogado't napatikhim naman ito bago nagsalita.

"Detective Lagdameo, o mas mainam na Doctor Lagdameo, maaari mo bang ipaliwanag kung anong klaseng karamdaman ang mga nabanggit mo?" Aniya kay Ezra.

"Disruptive behaviors in aggressive behaviors toward others, including bullying or making threats. misinterpreting others' behaviors as threatening. Inability to tolerate frustration, restrictions, or rules either at home or at school chronic lying without remorse... Ang may mga ganitong kaso ang madalas nila ginagawa ay sumisigaw sa loob ng bahay o classroom o kahit sa trabaho." Paliwanag ni Ezra. " How to deal people na may disruptive behavior?...Acknowledge the feelings of the individual. Remember that disruptive behavior is often caused by stress or frustration. Address the disruption individually, directly and immediately."

Matapos ipaliwanag lahat ni Ezra ang tungkol sa mga nabanggit na karamdaman ni Amanda ay nagsisigaw siya. Pinagbantaan pa niyang papatayin umano si Ezra.

"Hindi ba dapat wala siyang kakayahang makagawa ng gano'n dahil may sakit siya sa pag-iisip?" Tanong ng Abogado.

"Hindi ang mga sakit niyang iyon ang dahilan bakit siya pumapatay..."

Nagbulungbulungan ang mga tao sa sinabi ni Ezra, napatawa naman ang abogado ni Matias sa kanyang narinig.

"Medyo nililito mo kami miss Lagdameo, maari---" hindi niya natapos ang sasabihin dahil pinutol ni Ezra.

"Hindi mo talaga mauunawaan 'di ka naman Doktor." Walang emosyong wika niya. "No'ng nagpagamot si Miss Amanda sa Mental Care, ay aming napag-alaman na bukod sa kanyang karamdaman ay mayroong Multiple Personality disorder si Miss Amanda. At ang mga personality na 'yon isa ang taong may galit kay Flame Lennox."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ARTICLE 246 (Alpha Team)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon