ARTICLE 246 chapter 2

5 0 0
                                    


Title: Article 246- CHAPTER 2
"The LRT crime"
Genre: Horror/Mistery
Sub-Genre: murder/fiction
Written by:
Brokenstringguitar (Lira Luna)

Febuary 1-2021
6:30 Am : A month after Lennox Death

ABALA sina Vhee at Ezra, papasok na sila noon sa trabaho. Sa panahong ito ay nagsisimula pa lamang silang maging Detective, ito ang panahong hindi pa sila umuusbong sa larangan ng paglutas ng krimen.

Ordinaryong araw lamang iyon para sa dalawa. Kahit pa ang laman ng mga balita ay ang pagkasawi ni Flame Lennox, isang sikat na artista sa larangan ng Showbiz ngayon.

Nakapila sila sa bilihan ng ticket nang may nag-aaway na mag nobyo, mukhang malala ang away nilang dalawa dahilan para awatin sila ng isa pa nilang kasama na lalaki na sa wari nila ay kaibigan ng dalawa. Ngunit hindi nagpaawat ang magkasintahan.

Napailing si Ezra mukhang hindi maganda ang unang training nila sa Task Force Secret Agent, isa itong ahensya na walang nakakaalam kung saan. Tanging ang mga magtatrabaho at nagtatrabaho lamang ang may alam kung saan ito.

Nang matapos bumili ng ticket nauna ang magkasintahang kanina pa gumagawa ng iskandalo, na akala mo shooting ng kung anong serye ang kanilang tagpo. Sumunod sila Ezra at Vhee sa tatlo, nag-tap na din sila ng kanilang ticket nang mabangga si Vhee sa likod no'ng naunang pasaherong papasok sa LRT

Napatingin naman ang lalaki kay Vhee, singkit ang mga mata nito, mukha naman siyang maayos dahil sa desente nitong suot, naka simpleng jacket lang ito, puting polo sa loob at pantalon na slacks, saka sapatos na itim at may dalang bag.

"Sorry po"

Tanging sambit ni Vhee saka magalang na yumuko, matagal pa siyang tinitigan ng lalaki bago rumihistro sa labi nito ang isang simpleng ngiti saka inayos ang suot na eyeglass sa ilong nito.

"Ayos lang hija, sa susunod mag-iingat ka."

Wika nitong sabay sunod sa magkasintahang kanina pa nagtatalo sa hindi malamang dahilan.

Tahimik si Vhee at Ezra na naghihintay sa tren, habang ang magkasintahan lang ang namumukod tanging maingay dahil sa kanilang pinag-aawayan. Napailing na lamang si Ezra na nakapamulsa habang nilalaro ang paa sa semento.

"Hmm... may sundo na siya."

Wika ni Vhee na dahilan para mapalingon si Ezra sa kanya, nakita niya ang kapatid na nakatingin sa magkasintahan, mukhang nahuhulaan na niya ang nais ipabatid ni Vhee.

Pariho silang may biyaya na kakaiba ni Vhee, ngunit si Vhee ang namumukod tanging nakakakita ng grim reaper o tagasundo ng mga kaluluwa ng taong papanaw na at may kakayahang makita ang nakaraan ng taong namatay na. Habang siya naman ay nakikita niya at nakakausap ang kaluluwa ng taong pumanaw na at nakikita niya ang mga pangitain o hinaharap ng mga taong papanaw pa lamang.

Napabuntonghininga na lamang si Ezra dahil alam na niya kung paano mamatay ang taong sinundo na. Habang si Vhee ay tahimik lang na nakamasid sa nag-aaway.

"Iyan na ang huli nilang away."

Wika ni Ezra kasabay ang paghinto ng tren sa harap nila. Tahimik silang sumakay, nagsiksikan pa ang mga tao gawa ng rush hour.

"Bakit ba rush hour ang pasok natin? madalas tayong ganito kung nagkataon."

Pagmamaktol ni Vhee dahilan para mapangiti lang si Ezra. Napatingin pa sila sa speaker na nasa may taas ng ulo nila nang magsalita ang tagapagsalita ng tren.

"Paalala sa mga pasahero, Safety Reminders lang po. Ugaliin po nating humawak sa mga safety handrails, at iwasang sandalan ang magkabilang pintuan ng tren. Huwag po nating gagalawin ang anumang emergency devices na matatagpuan sa ibabaw ng mga pintuan ng tren. Mahigpit pong ipinagbabawal ang pagkain, pag-inom, at paninigarilyo sa loob ng tren, istasyon at mga terminal. Paki double-check lang po ang ating mga gamit, lalung-lalo na po ang mga bag, cellphone, at wallet, at paki-ingatan po natin ang magnetic card na gagamitin natin sa paglabas ng istasyon. Maraming salamat sa inyong pag-tangkilik sa ‪LRT‬, at magandang umaga po sa inyong lahat"

ARTICLE 246 (Alpha Team)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon