ARTICLE 246 CHAPTER 12

2 0 0
                                    

TITLE: Article 246 CHAPTER 12
"PARANORMAL ACTIVITIES II"
GENRE: Horror/ Mystery
SUB-GENRE: Murder/Fiction
WRITTEN BY:
Brokenstringguitar (Lira Luna)

"Our Father, you are in heaven, hear our prayer. That in our passage to the world of the dead, may you guide us, that we may not be able to call any other creature, except the souls we will give justice to. Make clear the way we will go, may your peace be the one that brings us peace in the middle of the darkness in the purgatory we are going to. To call the souls who are still lost in this world, to demand the right justice and correct the wrong. Thank you, amen."Panalangin ni Luiza.

Matapos nilang manalangin ng taimtim ay nagkamayan ang mga maglalakbay papuntang purgatoryo. Maiiwan si Mirs, Clementine, Mitz Elle, Jiann at ang Nars na si Marivic.


Si Ezra, Vhee, Luiza, Kira, at Mae ang siyang maglalakbay. Sila ang susugod papunta sa porgatoryo upang hanapin ang mga artista. May dalawa silang paranormal pa na kasama at ang labing lima ay maiiwan para gabayan sa pag tawag si Clementine at Mirs pati na rin si Jiann.

"Mitz, handa na kami."

Ani Ezra, si Mitz ay may kakayahang magbukas at magsarado ng dimensyon sa pagitan ng ibang mundo at sa mga tao. Napatango naman si Mitz saka itinaas ang kamay para gumawa ng lagusan kung saan dadaan sila Ezra.

"Mag-iingat kayo Captain." ani Marivic." Hilain niyo lang ang tali na nag-uugnay sa amin ni Mae, patunay na kayo ay nasa panganib, hihilain ko kayo pabalik."

"Salamat, kayo din mag-ingat." wika ni Ezra sabay pasok sa lagusang ginawa ni Mitz.

"Flame Lennox! Nanawagawan kami sa 'yong tugunin ang aming pag tawag! Dinggin mo kami nang ika'y mabigyan ng hustisya!" Pagtawag ni Mirs sa kaluluwa ni Flame.

"Audi nos Flame Lennox. Vocem nostram audi! Iustitiam dare possumus!" pagtawag ni Clementine kay Flame sa salitang latin na ang ibig sabihin ay 'dinggin ang kanilang panawagan ni Flame nang siya 'y mabigyan ng hustisya.'

Habang patuloy ang pagtawag ni Clementine at Mirs, inaalalayan naman ng mga paranormals si Jiann kung sakaling may unknown entities na sasapi sa kanya. Nakapikit na si Jiann palatandaan na wala na siya sa kanyang katawan.

Nananatiling nakaluhod si Marivic habang mahigpit na hinahawakan ang lubid na nag-uugnay sa kanila ni Mae, hindi ito nakikita basta-basta ng hubad na mata, tanging ang mga matang may kakayahang makakita lamang ang nakakakita ng lubid na 'yon.

Habang patagal ng patagal ay pahigpit ng pahigpit ang lubid, nahihirapan man si Marivic ay pinilit niyang higpitan pa ang pagkakahawak sa lubid. Habang si Mitz ay nanatiling nakataas ang mga kamay, hindi niya maaaring ibaba ito dahil mapagsasaraduhan ng lagusan ang mga tumawid.

Nang muntik ng maibaba ni Mitz ang kanyang kamay ay biglang itinaas ng espirito ni Jiann, kahit wala ito sa kanyang katawan ay nakakagawa pa rin ito ng paraan para makatulong.

"Mirs, huwag ka tumigil sa pagtawag, alalayan ko muna si Marivic sa paghila ng lubid." ani Clementine na sinang-ayunan naman ni Mirs.

Tumakbo si Clementine patungo kay Marivic sabay hawak sa lubid, samantalang si Jiann at Mitz ay nagtutulungan para hindi bumaba ang kamay ni Mitz.

ARTICLE 246 (Alpha Team)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon