ARTICLE 246 CHAPTER 13

5 0 0
                                    

TITLE: Article 246 CHAPTER 13
"THE CRIMINAL"
GENRE: Horror/ Mystery
SUB-GENRE: Murder/Fiction
WRITTEN BY:
Brokenstringguitar (Lira Luna)

"Move! move!"

Sigaw ni Ezra, walang tunog namang lumapit ang Team Alpha, kasunod nila ang iba pang team. Nakatakas kasi ang kriminal nang malaman niyang nalaman na kung sino ang totoong pumatay kay Flame Lennox at sa iba pa.

At ngayon ay sinusugod nila ito sa hide out na kanyang pinagtataguan. May nakapagsabi kasi na dito sa Abra nagtatago ang salarin.

Alam ni Ezra na may ahas sa Task force na pinapasukan, dahil sa hindi malamang dahilan pumuslit ang kriminal at agad na nakatakas.

"Huwag patayin ang kriminal kailangang buhay siya, ang sino mang makakapatay sa kanya ako mismo ang maglilibing ng buhay! Understood!?" wika ni Ezra.

"Ma'am, yes Ma'am!" sabay-sabay namang sagot ng mga pulis.

Suminyas si Ezra kung saan sila dapat papunta. Nang marating ang pinagtataguan, isang kubo na tanging gasera lamang ang kanilang naabutan.

Suminyas muli si Ezra na huminto muna, saka sininyasan silang dumapa lahat. Sumunod naman sila kay Ezra, saka dumapa.

"Ngayon na Marivic." ani Ezra sa kanyang headphone na agad naman sinang-ayunan ni Marivc.

Lumabas si Marivic dala-dala ang kanyang bag na naglalaman ng mga kagamitan sa panggagamot. Kunwari siya ay naliligaw na nars sa gubat at makikituloy.

Habang naglalakad si Marivic ay sinenyasan naman ni Ezra ang team Omega na pumwesto sa likod ng kubo, sunod na sininyasan niya ang Charlie na sa harap ang pwesto.

Inutos naman niya sa Delta na sa kabilang bahagi sila ng bahay pumwesto na agad naman sinunod ng team. At sila kasama ang Bravo ay mananatili sa pwesto.

Hinanda ni Ezra ang kanyang McMillan TAC-50 na sniper rifle, isa ito sa pinakamahabang rifle na ginagamit ng mga sniper. Bolt action ito at may Muzzle velocity823 m/s (2,700 ft/s) (750 gr A-MAX load). Effective firing range1,800 m (1,970 yd), Maximum firing rangeEstimated 7,700 m (8,420 yd) (750 gr A-MAX load). Confirmed 3,540 meters (3,870 yd; 2.20 mi).

"Gaano ba ka laki ang kasalanan ng kriminal na 'yan at ganyang klaseng rifle pa dinala mo?"

Ani Matias na ikinalingon ng masama ni Ezra. Hindi talaga siya makapaniwala sa mindset ng taong ito. Tinagurian niya ang sariling pinakamagaling, pero hindi niya napapansing siya ang pinakatanga.

"Ang totoo, pinapainggit ko lang sa 'yo ang rifle kong ito, pinapakita ko lang naman sa 'yo kung gaano ito ka mahal... In short nagyayabang lang ako."

Wika niya kay Matias dahilan para mahinang tumawa ang mga nakarinig. Nagngitngit naman sa galit si Matias dahilan para titigan siya muli ni Ezra.

"Hindi mo alam kung ano ang kasalanan ng kriminal? Masasabi kong malaki dahil ilang tao din ang kinitil niya ng walang nakakaalam" ani Ezra saka napangiti. "Ikaw nga na pinakamagaling na detective 'di ba naisahan niya? Ganyan siya katalino. At isa pa ang kabaliwan niyan nasa 99% ang level..." napahinto muna siya saka ngumisi. "Alam mo kung bakit? Mga sampong demonyo at sampong baliw ang sumapi sa utak ng kriminal. Kahit tayo kaya niyang patayin kung sakaling tatanga-tanga tayo." aniya saka tumingin sa mga kasama nila. "kaya naman mag-iingat kayong lahat.

Pagkasabi niya niyon ay ibinalik niya ang atensyon sa kubo. Nakikita na niyang kumakatok na si Marivic.

"Sino sila?"

Naririnig nilang tanong ng kriminal sa kanilang mga headset. Sininyasan niya ang mga kasama na kumalma hanggat wala siyang sinasabi.

"Naliligaw po ako, galing kasi ako sa isang medical mission namin dito sa Abra, kaso napahiwalay ako sa aking mga kasama."

ARTICLE 246 (Alpha Team)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon