ARTICLE 246 CHAPTER 18

8 1 0
                                    

TITLE: Article 246 CHAPTER 18
"THE TRIAL"
GENRE: Horror/ Mystery
SUB-GENRE: Murder/Fiction
WRITTEN BY:
Brokenstringguitar (Lira Luna)

"Jade Emerald?" Wika ni Matias dahilan para mapatingin ang mga taga-task force sa tinawag niyang Jade Emerald.

"Uh-uh... code name Unknown".

Nanlalaki ang mata ni Matias nang makita si Uknown, hindi siya makapaniwala na buhay pa pala ito. Ang huling balita niya sa dalaga ay namatay na ito ilang taon na ang nakakalipas.

Kitang-kita ng mga mata niya no'ng gabing binaril si Unknown sa isang pantalan ng barko. Mayro'n silang ni-raid no'n na mga sindikato ng pinaghihinalaan nilang shabu na isinasagawa sa isa sa mga barko noon sa pantalang 'yon.

Kasagsagan noon ng kasikatan ng kanilang team, at napapabalitang si Unknown ang magiging team captain ng Alpha. Hindi niya nagustuhan ang balitang 'yon sapagkat ang nais sana niya ay siya ang mamuno.

"Naalala mo ba ang gabing 'yon Alvin? kung saan binalak mo akong traidorin?" wala g emosyong tanong ni Unknown sa kanya. "Dahil sa ambisyon mo, sinira mo ang buhay ko."

"A-ano ba ang pinagsasabi mo Jade---" hindi niya natapos ang sinabi ng putulin ito ni Unknown.

"Unknown, matagal ng patay si Jade." walang emosyong wika ni Unknown sa kanya. "Sa korte na lang tayo magkita, gusto ko makita ang pagbagsak mo." anito saka dali-daling sumakay sa kanyang motor at pinaharurot ito ng takbo. Sinundan lang ni Ezra ng tingin ang pag-alis ni Unknown.

"Sege na, dalhin na 'yan." utos ni Ezra sa mga kasama niya at sumakay na rin sila ni Vhee sa kanilang mga motor nang umalis na ang mga task force at ang iba pa nilang kasamahan.

SAMANTALA sa bahay ng mga Lagdameo ay matamang pinag-aaralan ng mag-asawa ang kaso. Ang kanyang mama ang hahawak sa kaso ni Flame at ang iba pa.

May tiwala ang hukuman sa kanilang magulang, dahil ang kanilang ama ay patas kung mag hatol ng kaso. Katulad na lang no'ng kasong hinawakan ng kanilang mama na natalo dahil guilty ang kriminal, kahit pa mag-asawa sila sa loob ng trial court ay hindi nagkaroon ng bias judgement ang Papa nila.

Walang asa-asawa sa kanila pagdating sa hukuman, labanan kung labanan. Gano'n ka-professional ang kanilang magulang pagdating sa trabaho.

Hindi na nila ginambala ang magulang at nagtuloy sila sa kani-kanilang mga silid para magpahinga ng maaga. Maagang lilitisin ang kaso ni Matias, marahil ito na ang ikatatahimik ni Unknown.

Madaming isinampang kaso kay Matias. Alam nila na nagawa niya lamang ang bagay na 'yon dahil sa pagmamahal niya sa kanyang kapatid. Tama ito sa kanyang paningin ngunit sa batas ng Diyos at Tao ay maling pagtakpan ang kasalanang ginawa lalo na kung ito ay may kaugnayan sa pagkitil ng buhay ng isang tao.

Nakahiga na si Ezra, habang iniisip ang nakita nila noon ni Vhee sa larawang tinitingnan ni Matias. 'Yon ang susunod niyang alalamin kung ano ang kaugnayan ng nasa larawan at ni Matias.

Napatingin siya sa oras, mag-aalas syete pa pala. Napabuntonghininga muna siya't muling kinuha ang kanyang belt bag at ang susi ng kanyang motor. Aalis siya at may pupuntahan lang siyang tao para maseguro kung tama ba ang kanyang iniisip.

Paglabas niya ay nakita niyang nakaabang na ang kapatid na si Vhee, nakasandal ito sa gilid ng pinto sa kwarto nito. Nakapakit ito habang suot-suot ang kanyang headset.

"Nais mo rin ba silang puntahan?" anito na hindi tumitingin ka Ezra. "Kakatukin na sana kita kaso parang nasa malalim ka pang pag-iisip." Dugtong nito saka napatingin sa kanya.

ARTICLE 246 (Alpha Team)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon