ARTICLE 246 CHAPTER 14

6 1 0
                                    

TITLE: Article 246 CHAPTER 14
"THE CRIMINAL's IDENTITY AND CASE APPEAL"
GENRE: Horror/ Mystery
SUB-GENRE: Murder/Fiction
WRITTEN BY:
Brokenstringguitar (Lira Luna)

Putukan ng baril ang siyang maririnig. Nang sugurin nila ang kubo ay may nagpaputok agad, may mga tinamaan sa kampo ng Task Force pero wala namang nasawi.

Sa Kampo naman ng kriminal ay halos patay na lahat ng tauhan niya. Inikutan ng Task Force ang kubo. Pinahinto muna sila ni Ezra, saka sininyasan si Vhee na hawakan ang kubo.

Nagtataka ang lahat sa ginawa ni Vhee, lalo na si Matias. Ngunit hindi sila pinansin ng team Alpha.

"Patay na ang iba, may tama ang kriminal, ngunit hindi naman grabe."

Ani Vhee, agad na suminyas si Ezra na pasukin na ang kriminal sa harap at ang iba ay sa likod ng kubo dumaan. Dahan-dahang pumasok sa harap ang team Delta, at gano'n din ang Charlie sa likod.

Sinipa nila ang pinto at bumungad sa kanila ang mga duguang tauhan ng kriminal, at sa gilid nakita nila ang kriminal na nakahandusay at may sugat sa binti at balikat.

"Clear! Sugatan ang kriminal!"

Agad na pumasok si Ezra kasama si Marivic, ginamot pa ni Marivic ang kriminal habang nakaalalay ang iba sa kanila. Nang matapos siyang gamutin ay tinulungan siya ng Team Omega na makatayo. Agad na pinusasan ni Ezra ang kriminal.

"You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be provided for you. Do you understand the rights I have just read to you? With these rights in mind, do you wish to speak to me?" tanong ni Ezra ngunit hindi umiimik ang kriminal. "Sege na dalhin na siya."

-----

"Good morning Philippines, a surprising news just arrived. Task Force led by Alpha conducted an operation in Abra, where the criminal was caught in the murder of actresses Flame Lennox, Lindsay Amador, Katya Reyes, Amythist Rose, and Jelavin Revon."

Balita sa Tv na agad ikinatuwa ng Task Force Secret Agent na pinamumunuan ni Unknown. Palakpakan at hiyawan ang maririnig mo sa loob ng opisina.

"Congrats Unknown, hindi ka nagkamali sa mga bata mo." pagbati ni Lily kay Unknown.

Niyakap naman siya agad ni Unknown, saka nagsalin sila ng alak para ipagdiwang ang pagkakahuli sa Criminal.

"Mabibigyan na din ng hustisya si Flame at ang iba pa." ani Lily na sinang-ayunan naman agad ni Unknown.

"Mas makakamit pa nila ang hustisya kung makukulong ang kriminal na 'yan." wika ni Unknown habang nakatingin sa kriminal. "Hindi ako makapaniwalang magagawa niya kay Flame iyon."

Aniyang kuyom ang mga palad sa galit, ngunit sa kabilang banda ay masaya siya dahil malapit ng makamit ni Flame at ng iba pa ang hustisya.

"Magbabayad ka" dugtong niya saka isinubo ang alak.

NOVEMBER 5, 2021
PAGBUKAS NG KASO NI FLAME

NAGULAT ang boung pilipinas ng muling pinabuksan ang kaso, at mas lalong ikinagulat nila nang tuluyan ng ilantad sa publiko ang suspek sa pagkamatay ng mga artistang sina Flame Lennox, Jelavin Revon, Amythist Rose, Katya Reyes, at Lindsay Amador.

"Hindi makapaniwala ang boung Pilipinas, sa loob ng isang buwang itinago ang kriminal sa madla, ngayon ay nakilala na siya."

Maririnig na wika ng reporter sa Tv. Tahimik lang na nanonood ang mga police detective ng Task force Crime Detective, habang ang team alpha ay papasok sa kanilang opisina.

ARTICLE 246 (Alpha Team)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon