ARTICLE 246 CHAPTER 3

3 0 0
                                    

Title: Article 246 CHAPTER 3
"The LRT crime Part 2"
Genre: Horror/Mistery
Sub-Genre: murder/fiction
Written by:
Brokenstringguitar (Lira Luna)

"Ikaw ang pumatay!"

Wika ni Ezra sabay turo kay Carla, nanlaki naman ang mga mata ni Archie sa narinig at napatingin kay Carla, nagulat naman ang babae ngunit napangisi naman ito saka tumingin sa paligid.

"Teka! Sino ba kayo? Eh sinabi na nga ni detective Matias na siya ang pumatay!"

Pagturo niya sa lalaking hinuli ni Detective Matias.

"Tapos ngayon ituturo mo na ako ang pumatay? Anong basihan mo? Pulis ka ba? Detective ka ba---"

Natahimik si Carla ng ipakita ni Ezra ang ID niya. Walang emosyon niyang tinitigan si Carla, saka pinasok ang Id sa kanyang Jacket at tumingin sa paligid.

"Teka bata, ako si Detecti---"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil agad siyang iniwanan ni Ezra at nagtungo sa harap ng babae, ang kasintahan ng nasawi.

"Bakit ka umiiyak, gayong wala na ang lalaking matagal mo ng gustong mawala sa buhay mo."

Aniya na hindi tumitingin sa babae, kundi sa likod nito kung nasaan ang kaluluwa ni Justine na matalim na nakatitig sa kasintahan.

"Galit na galit siya sa 'yo ngayon."

Walang emosyong wika ni Ezra, saka hinarap si Detective Matias na kanina pa naiinis sa pangingialam niya.

"Nasa batas na huwag kang magtuturo ng sasagot sa krimen kapag 'di mo nahuli ang tunay na may sala."

Wika niya dahilan na 'di nakaimik si Detective Matias. Napatingin si Ezra sa paligid, saka muling tumingin kay Carla.

"Ikaw ang pumatay sa kasintahan mo, at matagal mo na itong binalak, at matagal mo nang pinagplanohang siya ay patayin,  Ngunit---"

Wika ni Ezra na napatigil saka nilaro ang paa nito sa semento, lumapit si Vhee sa kanila saka tumayo ng tuwid at nilagay ang kamay sa likod nito.

"Ala-una ng hapon nag-usap kayo ni Justine na magkikita sa Taft, ngunit sinabi mong mga alas-singko na lang ulit kayo magkita dahil may lakad ka.--"

Napatigil muna si Vhee saka tumingin sa babae ng walang emosyon, na tila ba sinusuri nitong mabuti ang kaharap.

"Dumating ka sa Taft ng alas dos at pumasok sa motel kasama ang isang lalaki na--" pagputol niya sabay tingin kay Archie. "Na alam mong kaibigan lang ng kasintahan mo."

Nagbulong-bulungan ang mga taong nandoon sa pinangyarihan ng krimen, habang si Archie ay hindi makapaniwala sa nalaman.

"Ginawa mo ang bagay na 'yon dahil sa kagustuhan mong makalaya sa inyong relasyon."

Pagpapatuloy na paliwanag ni Vhee, lumapit si Ezra sa kanya saka humawak sa balikat ni Vhee, napatingin pa ang huli sa kanya bago tumango.

"Alas kwatro ng hapon nagkita kayo ni Justine, at do'n kinumpronta ka niya tungkol sa lalaking kasama mo sa Motel, nakita ka niya pagpasok mo pa lang, at nakita niya sino ang nakasunod sa 'yo."

Wika ni Ezra na nakatingin pa kay Archie. Napayuko naman si Archie sa mga titig na 'yon ni Ezra.

"Nagpatuloy ang away ninyo, dahil gusto niya na sa 'yo mismo manggagaling ang katutohanan kahit alam na niya ang totoo, hanggang sa tinawagan mo si Archie na kakahiwalay lang ninyo at tahimik na nagmamasid sa sulok. Ang hindi ninyo alam na alam na niya ang totoo tungkol sa inyo."

ARTICLE 246 (Alpha Team)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon