ARTICLE 246 CHAPTER 6

7 0 0
                                    

Title: Article 246 CHAPTER 6
FIRST MISSION- The Carnivals Massacre "the killer"
Genre: Horror/Mistery
Sub-Genre: murder/fiction
Written by:
Brokenstringguitar (Lira Luna)

FEBUARY 2021 - a Month after Jelavin Revon's Death.

"At ikaw ang kriminal!"

Pagturo ni Vhee sa lalaking naka maskara ng nakakatakot, agad siyang umalma at tatakas sana ngunit sinenyasan ni Ezra ang mga pulis na naruroon at agad siya nitong pinusasan.

"You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have a right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you.” 

Wika ni Ezra habang pinupusasan ng pulis ang lalaki, agad namang umalma si Detective Matias na ikinainis ni Ezra.

"Bakit mo siya huhulihin?"

Halos gigil na wika ni Matias kay Ezra, napatingin lang ang dalaga ng diritso sa mga mata ng detective.

"Bakit? kaibigan mo ba 'yan? kung gusto mo samahan mo!"

"Ngunit nasaan ang inyong pruweba na siya ang pumatay? labag sa human rights ang inyong ginagawa!"

Napangisi si Ezra na tila hindi makapaniwala sa inaasal ng isa sa kilalang magaling na detective sa bansa.

"Anong--"

Hindi natapos ni Ezra ang sasabihin dahil natatawa ito, parang bata kung mag reklamo ang kaharap, na meywang siya habang ang isang kamay nasa baba niya at ipinukol kay Matias ang hindi makapaniwala niyang titig.

"Anong sinsasabi mong human rights? bakit binugbog ba siya? kaya nga 'di ba sabi ko... You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have a right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you... sa tagalog... May karapatan kang manahimik. Anumang sasabihin mo ay maaari at gagamitin laban sa iyo sa korte ng batas. May karapatan ka sa isang abogado. Kung hindi mo kayang bayaran ang isang abogado, isa ang hihirangin para sa iyo."

Wika niya sabay ngiti sa kaharap.

"Tinagalog ko para damang-dama mo... ngayon may human rights naman 'di ba?''

Diritsong titig niya kay Matias, saka umiling at nilamukos ang sariling mukha, saka muling tumingin sa lalaki saka lumapit dito at bumulong.

"Kung ayaw mo maapakan ang ego mo, p'wede manahimik ka na lang, kasi mapapahiya ka lang sa akin. Huwag mo ako maliitin dahil baguhan lang ako, dahil baka 'di hamak mas mahaba ang panahon na nilaan ko sa pag-aaral kaysa sa'yo, tandaan mo, alikabok man ay nakakapuwing."

Wika niya na pinagpag pa ang balikat ni Matias. Saka lumayo dito at bumalik sa pag-iimbistiga.

"Tapos na ba? maaari na ba kaming umuwi?"

Wika ng ginang na unang dumating, tinitigan siya ni Ezra ng matalim.

"Bakit nagmamadali kayo? ayaw niyo ba malaman bakit siya ang kriminal?"

Mahinahon ngunit mariin na wika ni Ezra sa kanya. Nanlaki naman bahagya ang mata ng ginang.

"Kasi ipapaayos ko na ang libing nitong anak ko. Kawawa na kasi ilang oras na siya dito."

"Ako na mag-aayos ng libing niya, tapusin n'yo lang ang kanyang kaso"

Wika naman ng isang ginang na ngpakilalang ina rin nang binata.

ARTICLE 246 (Alpha Team)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon