ARTICLE 246 CHAPTER 11

3 0 0
                                    

TITLE: Article 246 CHAPTER 11
"PARANORMAL ACTIVITIES"
GENRE: Horror/ Mystery
SUB-GENRE: Murder/Fiction
WRITTEN BY:
Brokenstringguitar (Lira Luna)

NANG malaman ni Unknown ang nangyari kay Flame at sa iba pa ay sumiklab ang kanyang galit. Naisip niyang pagbabayarin niya ang sino mang may kasalanan.

"Hayop ang gumawa nito sa kanila."

Ani Unknown na halos madurog na ang basong hawak nito na may lamang alak. Nakatingin lang sa kanya ang Team na binuo niya, habang ang magkapatid na Lagdameo ay nakatingin lang sa mga papel na hawak nila na naglalaman ng kaso ng mga artistang pumanaw na.

"There is only one thing we can do, we must call their souls." ani Unknown dahilan para magkatinginan silang lahat.

"What are we going to do? Are we going to do paranormal activity?"

Si Ezra ang sumagot na hindi tumitingin sa mga kasama. Alam niyang napapatingin ang mga ito sa kanya, maliban kay Vhee.

"Tama ba ako?" maiksing sagot niya.

Napabuntonghininga si Unknown sabay tayo mula sa kanyang kinauupuan, nagsalin siya ng alak sa kanyang baso at nilagyan niya ito ng yelo. Itinaas niya ito saka inikot-ikot bago lumingon sa kanila.

"Alam mo Ezra, kaya ikaw ang napili kong maging captain dahil sa isang bagay..." wika niya, "ito" sabay turo sa kanyang sintido.

Napangisi naman si Ezra, saka ibinaling ang ulo kay Vhee, napangiti naman ang kanyang kapatid. Pagkunway ibinalik niya ang tingin kay Unknown.

"Hindi ko ugaling magpasalamat lalo na kapag compliments, hindi ako sanay. Pero sa tingin ko lahat kami ay may angking katalinuhan."

"Pero, ikaw at si Vhee ay nakakaangat." Aniya sabay tingin sa mga kasamahan ng magkapatid. "look, I'm not comparing you, I'm just telling the truth about what I see. And there's a reason why you became team alpha. Because you are all different from most." Aniya sabay taas ng kanyang baso.

"Kaylan natin sisimulan?" tanong ni Vhee, napalingon naman sa kanya si Unknown.

"Tomorrow." maiksing tugon ni Unknown.

PAPASOK ang Team alpha sa kanilang pinagtatrabahuang task force, kung saan nasungkit nila ang Team alpha at kung saan nagtatrabaho ang kanilang katunggaling Detective.

Nakatingin sa kanila ang mga kasamahan nila sa trabaho, ngunit ni hindi man lang sila nito binigyang pansin, lalo na ang pinuno ng Alpha.

Diritso lamang ang lakad ni Ezra, nang mahagip niya sa kanyang peripheral vision na nakatingin si Matias sa kanya. Lihim na napangiti si Ezra, dahil alam niyang gigil na gigil na ito.

"Ang yabang naman."

Maiksing tugon ni Matias na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Ezra. Napahinto naman si Ezra, nilalaro ang dila sa likod ng kanyang pisngi, habang nakatingala sa kisame.

Napatingin siya kay Matias na ikinapitlag naman nito, tila nagulat siya sa paraan ng pagtitig ni Ezra, wala kasing kahit anong emosyon ang makikita sa mga titig nito.

"We are proud, because we have something to be proud of. Is it obvious?"

Pagmamalaking tanong ni Ezra sa kanya, hindi naman nakaimik ang gropo ni Matias sa tanong ni Ezra. Nang hindi pa rin sila sumasagot ay napangisi na lamang si Ezra saka sumaludo kay Matias at umalis.

Naiwang gigil na gigil si Matias samantalang ang kanyang mga kasamahan ay panay ang kaway ng palihim sa dalagang gropo ng mga Lagdameo.

Diritso ang Team Alpha sa kanilang kwarto, habang si Matias ay tahimik ang gigil na nakatingin lang sa gropo, habang ang mga ito ay panay ang tawanan sa loob.

ARTICLE 246 (Alpha Team)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon