ARTICLE 246 CHAPTER 4

3 0 0
                                    

Title: Article 246 CHAPTER 4
"CLOSED CASE"
Genre: Horror/Mistery
Sub-Genre: murder/fiction
Written by:
Brokenstringguitar (Lira Luna)

•FEBUARY 2021
"AFTER 1 MONTH OF LENNOX DEATH"

"Isinara na ang kaso sa pagkamatay ni Flame Lennox, ayon kay Detective Matias suicide ang sanhi ng pagkamatay ng dalaga."

Wika ng reporter sa tv na ikinailing lang ng isang babae, napasindi siya ng sigarilyo saka naghithit ito, tinungga niya ang mamahaling alak sa kanyang baso at nagsalin pang muli, hindi siya makapaniwala sa nangyari kay Flame.

"Do you believe Flame will commit suicide? funny but I'm not sure about that."

Wika niya sa kausap sa telepono, nagtungga pang muli siya ng alak sa baso at naghithit ng sigarilyo habang nakikinig sa kanyang kausap. Nagsalin pa siyang muli ng alak saka muling humithit ng sigarilyo. Napuno na ng usok ang kanyang kwarto.

"I don't believe a Flame Lennox can do that, I know that woman.." Wika niyang sabay hithit ng segarilyo. "No, malabo pa sa hamog na magpapakamatay iyon, alam ko na may foul sa kasong ito."

Wika niya sabay tayo sa kanyang couch at nagtungo sa bintana kung saan matatanaw mo ang boung siyodad. Tahimik lang siyang nakikinig sa kausap, saka napabuntonghininga.

"Okey, see you tomorrow... Bye".

Wika niyang sabay baba ng kanyang telepono, nanatili siyang nakatayo sa may bintana nang may kumatok, nagbitaw pa siyang muli ng magkasunod na malalim na buntonghininga.

"Come in, bukas 'yan"

Wika niyang hindi lumilingon, naramdaman niyang bumukas ang pinto at nilapag ng kung sino man ang kanyang dala sa lamesang nasa likod lang din niya.

"Narinig mo na ba ang balita tungkol sa kaso ni Flame?"

Tanong nito sa kanya, hindi lang siya umimik, sa halip tumango lang siya. Umagos ang mga luha sa kanyang mga mata ng maalala ang mga araw na kompleto sila sa serye noon na 'barkada gimik'. Masayahing babae si Flame at kaya niyang dalhin ang kahit anong role, lalo na ang role ng boyish na si 'Maleya Hox'. 'Yon ang pangalan niya sa Barkada Gimik, at do'n nagsimulang tumatak sa tao si Flame nang gampanan si Maleya.

"Naalala mo ba siya?"

Tanong nito sa kanya, napangiti siya na sarili lang niya ang nakakaalam, at pinikit ang mata sa mga alaala ni Flame no'ng nabubuhay pa ito.

"Of course I do, she's my bestfriend, siya lang ang laging nagbibigay sa'kin ng payo kapag pakiramdam kong 'di ko na kaya."

Narinig niyang nagbitaw ng isang malalim na buntonghininga ang kausap.

"Jelavin kailangan mo nang tanggapin na wala na siya."

Napalingon siya, lamlam ang mga matang tila nagtatanong, napailing naman ang kanyang kausap sa kanyang tinuran.

Si Jelavin Revon, dalawampu't dalawang taong gulang, ay ang naging matalik na kaibigan ni Flame sa kasagsagan ng Barkada Gimik, isang nerd na weak ang ginampanan ni Jelavin sa series na 'yon,  ginampanan niya ang papel ni Marisa Santos isang weird student. At si Maleya lang ang character ni Flame ang tanging kakampi ng kanyang ginagampanan.

"Madaling sabihin Lindsay, pero mahirap gawin."

Wika niya sa kanyang kapwa artistang si Lindsay Amador. Hindi na lamang umumik ang huli saka nagpaalam na lamang na aalis.

"TASKFORCE SECRET AGENT OFFICE"
•FEB.2021 AT 9:00AM

"Kaya kayo, kailangan ninyong pag-aralan ang mga bagay na dapat matutunan n'yo, ang pagiging detective ay kailangan ng masusing pag-iimbistiga."

ARTICLE 246 (Alpha Team)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon