IA:Y 2

122 5 0
                                    

"Kaze, son! I thought I won't be able to see you again." May lumapit na isang babae sa kanya at niyakap siya. Sa tantiya niya ay nasa early 30s pa ito.















Sino ba si Kaze? At bakit anak ang tawag niya sa akin?
















"Babe, let him breath."
















"Oops, sorry." Binitawan agad siya ng babae.
















Napadako ang mata niya sa isang lalaking may kaedaran na ang mukha. Hindi niya alam kung bakit babe ang tawag nito sa babae gayong halos parang anak na niya ito.















"Sino kayo?" Halata ang gulat sa mga mukha ng dalawa nang tanungin niya iyon.

















"Son, what do you mean?" Kunot noong tanong ng lalaking tumawag sa kanyang anak.















"Nagkakamali po yata kayo ng pinasukang kwarto." Mas lalo lamang itong naguluhan sa sinagot niya.
















"Son, what kind of prank is this? I'm your father." Tiningnan lang niya ang lalaki kaya napasabunot ito ng kaniyang buhok. "Nurse, we need to see his Doctor. I think something's wrong with him."
















"Sige po Sir. Tawagin ko lang po si Doc." Dali-daling umalis ang nurse para tawagin ang doctor niya at pagbalik nito ay kasama na niya ang attending physician ni Kaze.
















"Yes Mr. Suson. Is there a problem?" Bungad na tanong niya.















"Doc, he doesn't seem to remember us."
















"Really? We need to check him up again if that's the case. I will schedule a series of tests on him."
















"Yes, please Doc."


































"Gising na raw ang nakabangga kay Yohan." Sabi ni Paulo kay July matapos nitong basahin ang text ng kanilang manager.
















Bigla na lang tumayo si July at nagmamadaling lumabas.
















"Ly! Saan ka pupunta?" Hinigit ni Paulo ang braso ni July bago pa ito tuluyang makalabas.
















"Kailangan ko siyang puntahan." Nag-unahan na namang magbagsakan ang mga luha nito.
















"Tapos? Ano'ng gagawin mo?" Natahimik ito at hindi makasagot sa tanong ni Paulo. Umiyak na lamang siya hanggang sa mahimasmasan.
















"Ly, I know mahirap 'to sa'yo pero 'wag tayong papadala sa bugso ng damdamin. Malaking tao ang nakabangga kay Yohan. Baka ibaliktad pa tayo."
















I AM: YOU | A KENTIN AUWhere stories live. Discover now