IA:Y 3

82 5 0
                                    

"So, you're the one who killed me." Nasa harapan ng salamin si Yohan at kausap ang kanyang repleksiyon. "Now, I am you and you are me at the same time."
















"Bakit nasa katawan mo ako? Ibalik mo ang buhay ko!" Nagsibagsakan ang mga luha niya at napaupo siya sa sahig. Hindi niya lubos maisip na ang bago niyang buhay ay ang buhay ng nakapatay sa kanya. Paano na ang mga kagrupo ko?
















Ilang sandali pa ay tumayo siya at pinahiran ang kanyang mga luha. Pagkatapos ay tiningnan niya ang sarili sa salamin.















"Yohan, ikaw na si Kaze ngayon. It's his fault that you're not here anymore. Continue his life. Live as him. In that way, he'll pay for what he has done to you."
































Nakabalik na si Josh sa kanilang condo at kinausap ito ni Paulo sa kwarto niya. Habang busy silang dalawa ay nakahanap ng pagkakataon si July para matakasan sila.















Kinuha niya ang kanyang bucket hat, nagsuot ng face mask at jacket. Dali-dali siyang lumabas nang masiguradong hindi pa tapos mag-usap ang dalawa. Sumakay siya ng taxi at pumunta ng ospital.















"Saan po ang kwarto ni Kaze Suson?" Tanong niya sa nurse's station nang makarating na siya.
















"Sandali lang po Sir." Habang hinahanap ng nurse ang room number ni Kaze ay panay naman ang sulyap niya sa paligid. Kabado siyang baka may makakakilala sa kanya. "Room 112 po."















Nagmadali agad si July at hinanap ang room 112. Nang nahanap na niya ito ay huminga muna siya ng malalim bago kumatok, tila humuhugot ng lakas.
















*knock* *knock*

































"Sir Kaze-"
















"Kaze na nga lang ang sabi ko 'di ba?"
















"Okay . . . Kaze. Alis na muna ako. Aayusin ko lang ang mga discharge papers mo." Tumango si Yohan at umalis na si Stell.
















Kinuha niya ang bagong cellphone na binili ni Stell para sa kanya at hinanap ang pangalan niya sa internet. Ang kanyang orihinal na pangalan na Yohan.
















"Hindi pa rin pala talaga sila tumitigil. Kahit wala na ako." Bakas ang mapapait na ngiti ang sa mga labi niya nang mabasa ang mga pambabash sa kanya ng ibang fans ng grupo. "I hope Seven won't see this."
















*knock* *knock*















Napahinto siya sa kanyang ginagawa nang may kumatok. Bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at bumungad sa kanya ang hindi inaasahang bisita.
















Seven?!















"Are you . . . Kaze Suson?" Tanong nito sa kanya.















I AM: YOU | A KENTIN AUWhere stories live. Discover now