IA:Y 18

80 7 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
















"Hindi madali ang task ngayon. 'Wag na 'wag tayong maghihiwalay ha. Let's keep an eye on each other. Hindi pa naman natin gamay ang gubat na 'yon." Habilin ni Paulo. Bago sila umalis ay kinuha muna nila ang compass at mapa.

















"Maglagay kayo ng insect repellent. Panigurado maraming lamok doon." Inabot ni Paulo ang insect repellant sa dalawa. Naglagay agad sila sa mga braso at mga binti nila habang naglalakad.
















Ngayon ay hindi nila kasama ang cameraman nila. Tanging individual cameras na lang ang dala nila.
















"Gaano ba karami ang kukunin natin? Pupunuin ba 'tong basket?" Tanong ni July.
















"Hindi siguro. Kung ano lang makaya nating ubusin. Tayo lang man din ang kakain." Sagot ni Paulo. Tumango naman ang dalawa.
















Nang makarating na sila sa gubat ay nagsimula na rin silang maghanap. Parati namang pinaalalahanan ni Paulo ang dalawa na 'wag lumayo.

















Nag-enjoy rin sila nang marami ang nahanap nilang mushrooms. May mga prutas din silang nakuha.
















Because of how engrossed they are on looking for food, they didn't notice that one of them has slipped through somewhere.
















"Okay na siguro 'to. Balik na—saan si July?" Tanong ni Paulo nang hindi mahanap ng kanyang mata ang kanilang bunsong miyembro.
















"Nandito lang 'yon kanina eh." Inilibot nila ang kanilang paningin. Nakaramdam na rin sila ng kaba nang hindi talaga nila maispatan si July.

















"Ly! Tara na! Tama na 'yan!" Sigaw ni Josh. Nagbabakasakaling hindi lang nila nakita kung saan nagsusuot si July pero imbes na sagot nito ang narinig ay ang echo ng boses niya. "Pau" Nagsimula ng magpanic si Josh at napapasabunot na ito ng kanyang buhok.

















Nawala na rin sa isipan niyang bantayan si July dahil nawili na rin siya sa pamimitas ng mga prutas. "July! 'Wag mo nga kaming binibiro! Lagot ka talaga sa amin." Nanginginig na ang boses ni Josh habang sinasabi iyon.
















Parang bumalik ang oras no'ng malaman nilang naaksidente si Yohan. Kaya hindi maiwasan ni Josh ang mag-isip ng masama.
















I AM: YOU | A KENTIN AUWhere stories live. Discover now