IA:Y 10

78 4 0
                                    

"July" Hinagod ni Kaze ang likod ni July habang patuloy pa rin itong umiiyak sa balikat niya.

















Sana hindi na naman ako ang dahilan ng pag-iyak mo.
















"S-Sorry." Tumunghay si July at pinahiran ang mga luha niya.
















Tahimik lang si Kaze sa tabi niya. Wala ng tanong kung ano ang nangyari sa kanya. Isang kumportableng katahimikan na hangad niya.

















Nakatanaw lang silang dalawa sa dagat kahit halos wala na silang makita dahil sa dilim.
















Nakaramdam na si July ng lamig dahil kanina pa siya sa dalampasigan at mahangin. Hinagod niya ang magkabilang braso para maibsan ang lamig na nararamdaman niya.















Ngunit nabigla siya nang lumapat sa balikat niya ang isang sweater.
















"Mukhang nilalamig ka kasi." Sabi ni Kaze sa kanya. Sinadya ko talagang magsweater kasi alam kong lamigin ka.
















"H-Hindi naman." Pinigilan ni Kaze na hindi matawa sa sinabi ni July.
















"Kumusta ang comeback preparations n'yo?"
















"Okay lang."
















"Baka hindi ka na nagpapahinga. Isusumbong kita kay Yohan." Tiningnan siya ni July ng masama. "Ang sama mo naman makatingin. May galit ka ba sa akin?"
















"Oo." Mabilis na sagot ni July.
















"Ouch." Bulong ni Kaze sa sarili pero sinadya niyang iparinig iyo kay July. "Gabi na. Balik na tayo?" Tumango si July. Nauna nang naglakad si Kaze.
















"S-Salamat." Mahinang sabi ni July.
















"Ano 'yon? May sinabi ka?" Mahina ang pagkasabi ni July kaya huminto muna si Kaze para tanungin ito.
















"Salamat sabi ko! Tsk." Binalik ni July ang sweater ni Kaze. Mabilis siyang naglakad pabalik sa restaurant at iniwan ang huli nang naguguluhan.






















 Mabilis siyang naglakad pabalik sa restaurant at iniwan ang huli nang naguguluhan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
I AM: YOU | A KENTIN AUWhere stories live. Discover now