"Kaze, gising!" Inalog ni Stell si Kaze nang madatnan niya itong natutulog sa sahig ng kanyang kwarto. Minulat nito ang kanyang mata, walang maalala kung bakit nasa sahig siya. "Ano'ng trip mo at sa sahig ka natutulog?" Inalalayan ni Stell si Kaze na makatayo.
"Hindi ko alam. Nasa kama ako kagabi eh." Umupo muna siya sa gilid ng kama niya habang inaalala ang nangyari kagabi pero wala talagang siyang ideya paano siya napunta sa sahig.
"'Wag ka na muna kayang pumasok ngayon? Magpahinga ka na muna. Baka napagod ka lang masyado. Grabe ka naman kasi makabantay kay July eh." Tiningnan ni Kaze ng masama si Stell. Ngumiti lang ito pabalik sa kanya. "Ipagluluto na muna kita ng pagkain." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya ng kwarto ni Kaze.
YOU ARE READING
I AM: YOU | A KENTIN AU
FanfictionA soul enters the body of the person who causes his death. How will he accepts the transition to his new life? Will it be his new home . . . forever? This is the first part of 'I AM: The Series'