"Wow! Kanino po galing?" May tatlong flower basket na nakapatong sa mesa nila sa kanilang dressing room.
"Kay Sir Kaze ninyo." Sagot ng kanilang Manager.
"Ly, tanggalin mo muna ang make-up mo. Magkakapimples ka niyan."
Pagkatapos ng concert nila kanina ay kumain muna sila sa dressing room nila bago sana aalis kaso lang hindi pa nagkapagtanggal ng make-up si July.
"Antok na talaga ako eh. Bukas na lang." Ngumuso si July na parang nagmamakaawa.
Napagod talaga ang bata. Wala pa naman si Yohan na tagatanggal ng make-up niya.
"No. Punta ka kay Ate Aira. Patanggal mo 'yang make-up bago tayo umalis." Wala ng nagawa si July kun'di ang magpatulong sa isang staff nila na tanggalin ang make-up niya. Papikit-pikit na ito habang nakaupo at naghihintay na matapos.
"Sir—" Binalewala na rin niya ang ingay sa paligid at umidlip na muna siya bago sila umalis.
"Ako na."
YOU ARE READING
I AM: YOU | A KENTIN AU
FanfictionA soul enters the body of the person who causes his death. How will he accepts the transition to his new life? Will it be his new home . . . forever? This is the first part of 'I AM: The Series'