"You'll now continue to perform as a trio—"
"Ano?! Sa tingin n'yo makakapagperform pa kami ng kaming tatlo lang? Hindi mabubuo ang Delight kung wala si Yohan!" Bukod kay Yohan, si July ang isa sa pinakatahimik sa grupo pero hindi niya mapagilan ang sarili ngayong wala na si Yohan at ito pa ang maririnig niya mula sa boss nila.
"Mas gusto mo bang magdisband na lang kayo?" Banta ng kanilang boss.
"Sir, kausapin ko lang po si July." Paalam ni Paulo sa boss nila. "Ly, labas muna tayo." Naunang lumabas si Paulo at sumunod naman si July sa kanya.
Dinala siya ni Paulo sa isang bakanteng dance studio.
"Ly . . . "
"Sorry Pau, pero bakit ang bilis n'yong makalimot? Bakit parang wala ng halaga si Yohan? Gano'n lang ba kadali para sa inyo?"
"Ly, hindi sa gano'n. Nahihirapan din kami. Hindi natin kalilimutan si Yohan. Kahit ano'ng mangyari. Walang gano'n. Ipagpapatuloy lang natin ang nasimulan natin. Alam kong 'yon din ang gusto niya para sa atin. Sa ayaw at sa gusto natin, ito ang pinili nating profession at marami ang naghihintay sa pagbabalik natin." Pinahiran ni July ang kanyang mga luha. "Ayaw mo na ba? Gusto mo na ba'ng tumigil?"
"Pau . . . h-hindi ko alam."
"It's okay. Kakausapin ko na lang si boss na bigyan ka pa ng time. Mas mahalaga sa ngayon na maging okay ka."
"Thanks Pau."
—
"Ano ba'ng trabaho ko?" Tanong ni Yohan habang nag-aayos ng sarili.
Nagtext ang nakatatandang Suson kagabi na bumalik na siya sa trabaho. Saka pa lang niya nalaman na may trabaho pala siya kaya ngayon ay kabado siya dahil wala naman siyang kaalam-alam sa mga gagawin at kung ano ang trabaho ni Kaze no'ng buhay pa siya.
"Head ka ng Advertising and Promotions team ng company n'yo. Alam mo ang brand na Ice Queen? Malamang hindi. Nagka-amnesia ka nga pala." Ice Queen?!
Umiling si Yohan bilang sagot kahit alam naman niya ang pinakasikat na brand sa Pilipinas. Bigla na lang niyang napagtanto na hindi pala biro itong napasukan niya. At hindi pala basta-basta ang nakabangga sa kanya.
Kaya pala halos wala na akong makitang balita tungkol sa aksidente ko. Maimpluwensya pala 'tong mga taong 'to.
Bakas ang pag-aalala sa mukha niya na napansin agad ni Stell.
"Okay lang 'yan. Yakang-yaka mo 'yan. Nandiyan din naman ang secretary mo. Sabihan mo lang kung may kailangan ka."
YOU ARE READING
I AM: YOU | A KENTIN AU
FanficA soul enters the body of the person who causes his death. How will he accepts the transition to his new life? Will it be his new home . . . forever? This is the first part of 'I AM: The Series'