IA:Y 6

79 3 0
                                    

"Ito ang sched ng photoshoots ng Delight . . ." Nilapag niya ang isang papel sa harapan ni Kaze. "Bakit mo nga ba gustong malaman?"















Nagtataka siya dahil usually, wala naman itong pakialam sa mga susunod na gagawin after mapirmahan ang kontrata.















"Ngayon na pala 'to?" Imbes na sagutin siya ay tanong ang binalik nito.
















"Oo."















"Let's go."















"Ha? Saan?" Hindi na siya sinagot ni Kaze at nauna nang lumabas kaya sinundan na lamang niya ito hangang sa makasakay ito sa kanyang sasakyan.















"Bili tayo ng mga makakain nila sa set." Napataas ang kilay ni Stell sa sinabi niya.















"Woah. Hindi na talaga ikaw ang dating Kaze na nakilala ko."
















"Kung ano man si Kaze dati, kalimutan mo na 'yon. Ako na ang bagong Kaze ngayon."































"Rest daw muna! May pagkaing dala si Sir Kaze!" Anunsiyo ng isang crew.
















Mapapansin ang mga bulung-bulongan ng mga tao sa set. Unang beses nilang makita ang boss nila na dumalaw at may dala pang pagkain.















"Ano'ng meron?"














"Hindi ko rin alam."















"Natauhan ba siya matapos ang aksidente niya?"















"Sana nga ano? Ang hirap pa namang pakisamahan niyan."
















"Kumain na lang tayo baka last na rin 'to."















"Ano na naman ang ginagawa niya rito? Alam ba niyang ayaw natin siyang makita?" Maaanghang ang mga salitang binitawan ni Josh.















"Josh" Saway ni Paulo.















Napansin nilang papalapit sa gawi nila si Kaze habang nakasunod sa kanya si Stell, bitbit ang mga pagkain.















"May pagkain dito. Kain muna kayo." Bungad ni Kaze sa kanila. Wala ni isa sa tatlo ang sumagot.















Nilapag ni Stell ang mga pagkain sa mesa. Mararamdam ang pagkailang ng lahat kaya napaatras si Stell at iniwan sila.















"Kain na kayo." Pag-aaya ulit ni Kaze sa kanila.















"Hindi pa kami gutom." Sagot ni Josh. Pinandilatan naman siya ni Paulo. "Ano?!"














I AM: YOU | A KENTIN AUWhere stories live. Discover now