IA:Y 9

82 5 0
                                    

"T-Thanks." Ang sabi ni July bago bumaba ng sasakyan ni Kaze.

















"Are you okay now?" Tumango si July. Tatalikod na sana siya nang tawagin siya ni Kaze. "July, pwedeng atin na lang muna 'yong sinabi kong napapanaginipan ko si Yohan? Ang hirap kasi mag-explain sa iba. Sige 'yon lang. Pumasok ka na."






















"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
















"Saan ka galing Ly?" Bungad ni Josh pagkapasok niya.
















"Binisita ko lang si Yohan." Tumango na lamang si Josh.
















Alam naman niyang namimiss ni July si Yohan kaya hindi rin nila ito pinipigilang bisitahin ang yumaong kagrupo.

















"Kumain ka na?" Umiling si July. "Magbihis ka na muna. Maghahain lang ako. Hindi pa rin kami naghapunan."
















"Uhm . . . pwede ba tayong mag-usap na tatlo pagkatapos nating kumain?" Bahagyang natigilan si Josh sa hiling nito at tumango rin kalaunan.
















"Sige Ly. Sabihan ko si Paulo." Pumasok na si July sa kwarto niya pagkatapos.
















"Si July 'yon? Umuwi na siya?" Bungad ni Paulo na kararating lang sa condo nila.

















"Oo. Kakausapin niya raw tayo pagkatapos ng dinner." Nangungusap ang mga mata ng dalawa. Mukhang alam na nila kung ano'ng pag-uusapan nila.

















"Kung ano man ang magiging desisyon niya, respetuhin na lang natin." Tumango si Josh sa sinabi ni Paulo.
















Hinintay na lang nilang makalabas si July sa kwarto niya at kumain na sila ng hapunan. Tahimik lang silang kumakain. Ang dalawang kuya ay panay sulyap sa isa't isa, pinapakiramdaman ang kanilang nakababatang kagrupo.
















Pagkatapos nilang kumain ay nilagay muna nila sa lababo ang mga hugasin bago sila nag-usap.
















"Sorry kung natagalan akong makapagdesiyon . . . "
















"Okay lang Ly. Nauunawaan namin." Sagot ni Paulo.
















I AM: YOU | A KENTIN AUWhere stories live. Discover now