IA:Y 19

71 7 1
                                    

Nang makumpirma niyang si Kaze nga iyon ay sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib nito. Niyapos naman siya ng yakap ni Kaze.
















"It's okay. You're okay now." Hinaplos ni Kaze ang likod niya habang patuloy pa rin itong umiiyak.
















Nang tumahan na siya ay tiningnan niya ng seryoso si Kaze. Kinabahan naman siya dahil hindi niya alam kung ano'ng naging kasalanan niya.

















"B-Bakit?"
















"Idedeny mo pa rin ba'ng hindi ikaw si Yohan?" Doon lamang napagtanto ni Kaze ang lahat.















"Hindi Seven. Hindi ko na idedeny pa sa'yo. Tama ka. Ako nga 'to si Yohan na nasa katawan ni Kaze. I don't know paano mo nalaman. 'Kala ko no'ng una, mahihirapan akong paniwalain ka pero ikaw na mismo ang nakaramdam na ako nga 'to, si Yohan."

















"T-Totoo? Ikaw talaga 'yan? Tama nga ako. Y-Yohan namiss kita." Muli ay niyakap niya si Yohan.
















"Namiss rin kita Seven. Hindi mo na ba ako susungitan?" Kinurot ng mahina ni July ang tagiliran ni Yohan.

















"Kung inamin mo na dati pa, edi sana hindi ako natutong magsungit ngayon."

















"Kasalanan ko pala 'yon?"
















"Oo. 'Yang mukhang 'yan ang may kasalanan bakit hindi ka na namin kasama ngayon."

















"Tama ka naman. Nagalit din naman ako sa kanya pero . . . what if ito ang way of saying sorry niya? He gave me his body instead." Napaisip naman si July sa sinabi niya. "And may dapat kayong malaman. Hindi talaga kasalanan ni Kaze ang lahat."

















"Ano'ng ibig mong sabihin?"
















"But first, let's get out of here. Dumidilim na. Alam kong nag-aalala na sina Paulo at Josh sa'yo. Kanina pa 'yon umiiyak si Josh."
















"Hala! Oo nga pala. Tara."















Gamit ang handheld transceiver ay ininform ni Yohan ang search team na nahanap na niya si July. Sinalubong naman sila ng mga ito sa labas ng gubat at dinala sila sa cabin kung saan naghihintay ang kanilang mga kagrupo.
















"Ly!" Sinalubong kaagad si July ng yakap nina Paulo at Josh.
















"Saan ka ba nagsususuot kang bata ka! Pinakaba mo kami." Bulyaw ni Paulo.
















"Sorry. Akala ko kasi nakasunod kayo sa akin eh. Pagkalingon ko, nawala na kayo."
















"Sa susunod, itatali ka na namin sa baywang namin." Natawa si July sa banta ni Paulo.

















I AM: YOU | A KENTIN AUWhere stories live. Discover now