Ilang araw nang nagmumukmok sa kwarto niya si July. Lumalabas lamang ito kapag kakain o kaya may biglaang lakad o event. Pero kapag wala silang schedule ay nasa kwarto lang siya at hindi sumasama sa mga Kuya niya na pumunta ng Dance Studio para magpractice.
Parati niyang dinadahilan na pagod daw siya. Hindi naman pinilit ng dalawa dahil alam nilang kasalanan nila kung bakit. Hindi pa rin kasi nila sinasabi ang totoo. Simula kasi no'ng araw na 'yon ay ayaw na sila nitong kausapin kaya wala ng pagkakataon si Paulo na bawiin pa ang sinabi niya.
"Paulo kasi! Parang timang. 'Tamo. Ilang araw ng nagkukulong sa kwarto niya." Paninisi ni Josh.
"Pwede mo namang sabihin sa kanya pero hindi mo rin naman ginawa."
"Ngayon, binabaliktad mo ako? Ikaw nagsabi kaya ikaw dapat bumawi."
"Eh ayaw nga tayong kausapin. Kung tatawagin ko siya, pumapasok agad ng kwarto niya."
"Kasalanan mo talaga 'to Paulo. Namamayat na siya dahil sa sinabi mo."
"Tsk. Oo na. Kasalanan ko na . . . Sandali. Kailan nga ang balik ni Kaze?"
"Kayo ang magkatext ni Stell 'di ba? Bakit sa akin mo tinatanong?"
"Wait."
YOU ARE READING
I AM: YOU | A KENTIN AU
FanficA soul enters the body of the person who causes his death. How will he accepts the transition to his new life? Will it be his new home . . . forever? This is the first part of 'I AM: The Series'