Liza's Pov:
Kauuwi lang namin ni Enrique from my OB. Ngayon araw kasi ang weekly check-up ko.
"Hon, nandito na pala si Daniel?" Tanung ko kay Enrique.
"Ah oo. Almost a month na ata sya dito pero hindi pa kami nagkikita." Sagot nito na busy pag-aayos ng pinamili namin kanina bago kami pumunta sa OB.
"Eh may balita na daw ba kay Ria?" I asked.
Umiling ito. "Wala pa rin eh. Ang buong barkada nga nagulat ng malaman na bumalik na si Daniel from States. Akala namin eh gigive-up na ang katawan nito after nitong maaksidente." He said.
Hindi ko alam ang buong kwento tungkol sa aksidenteng kinasangkutan ni Daniel. Almost three months itong coma sa States. Doon ito dinala para ipagamot dahil malaki ang naging damage ng brain nito gawa sa aksidente.
"Ah ganun ba?" I said.
"Bakit mo nga pala naitanung, hon?" He asked.
"Nabasa ko lang kasi sa newspaper na bumalik dito si Daniel. At nakasulat doon eh hahanapin nito ang wife nitong si Ria na kasama sa aksidente almost five years ago." Sagot ko sa kanya.
"Bakit parang hindi ko nabasa iyon?" Nagtatakang tanung nito. "Saka hindi mo naman ugaling magbasa ng newspaper ah." He added.
Natawa ako sa sinabi nya. Hindi naman talaga ako mahilig magbasa ng dyaryo.
"Napansin ko lang kasi iyon almost a month na. Eh nasa business trip ka nong time na yun saka naboboring ako dito sa bahay kaya binasa ko iyong newspaper." Kwento ko sa kanya.Pagkatapos nito sa ginagawa ay tumabi ito sa tabi nya at yumakap ito sa kanya.
"Sorry kung wala kang kasama dito sa bahay, hon. Don't worry, I'll tell tito Joseph na hindi muna ako sasama sa business trip if ever." He told me.
"Naku, I'm okay hon. Baka magalit si tito Joseph. Saka dumadalaw naman dito si Kath kasama si Kathy eh." I told him.
"Are you sure? What if may business trip kami tomorrow?" Biro nito.
"Agad-agad? Wag ka na muna sumama. Nasa Batangas pa kasi si Kath kaya hindi yun makakapunta dito. Sina Barbz naman busy din." Aniya.
Alam naman nyang wala itong business trip tomorrow kasi ang alam nya is nasa Paris pa si tito Joseph at sa States ito didiretso kasama si Yanna.
"Pero kung gusto mong sumama. Bahala ka." Kunwa'y wala akong pakialam.
"Hmmp. Sus. Wag ka mamimiss mo ako." Anito.
Biglang gumalaw ang baby sa sinapupunan nya. "Hon, gumagalaw si baby." Aniya.
Humawak ito sa tiyan nya at dinama ang galaw ng baby nila. Ang saya nya dahil nagbunga ang pagmamahalan nila ni Enrique.
Kahit minsan hindi nawawala ang tampuhan nila. Lagi naman syang sinusuyo ng asawa nya. Saka minsan ay pinagtitripan lang nya ito.
.......................................
Barbie's Pov:
"Hoi!" Gulat ko kay Andre.
Nasa condo nya ako. Hindi nya alam na pupunta ako ngayon doon.
"Ano ka ba, papatayin mo ba ako sa nyerbyos?" He told me. Seryosong seryoso ang mukha.
"Ang sungit mo naman. May dalaw ka ba?" Biro ko sa kanya. Ang sungit nya kasi.
"Oo, may dalaw ako. Ikaw. Kasura nga eh. Sa dami ng dadalaw sakin ikaw pa." Anito na parang naiinis pa na nandoon ako.
Ouch!!! Ang sakit naman nun. Makaalis na nga. Kainis. Ang ganda ganda ng mood ko sinira lang nya. Nainis ako sa sinabi nya.
"Ah okay. Nakakainis ba? Don't worry, I'll never gonna visit you again." I told him seriously.
Then, after I said those words lumabas na ako sa condo nya. Grave, ang sakit nya magsalita.
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Hmmp. Kainis.
Narinig kong tinawag nya ako but it doesn't matter. Ayaw kong makita nya akong umiiyak.
Nagulat na lang ako ng biglang may yumakap sa likod ko. "Sorry na, babe. I doesn't mean to hurt you." He said.
Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sakin. Nainis talaga ako sa sinabi nya.
Pero niyakap nya ulit ako."Sorry na please. Hindi na mauulit." Paghingi ng tawad nito.
Hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng luha ko. Nakakainis naman kasi.
Hinarap nya ako sa kanya."Baby, stop crying na. I'm really sorry." He said again.
Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. "Nakakainis ka naman kasi!" Sa wakas nasabi ko rin ang gusto kong sabihin.
"Kaya nga sorry na eh." He said then niyakap nya ako. "Halika na, balik na tayo sa loob. Baka machismis pa tayo." He added.
Then bumalik ma kami sa loob ng condo nya. Minsan ganun talaga ang ugali nya. Hindi ko nga alam kong bakit ko sya minahal.
Minsan pinagtitiisan ko na lang ag ugali nyang iyon pero kanina sobra akong naiinis sa sinabi nya kaya nagwalk out na lang ako.
Kung hindi nya ako hinabol, hindi na talaga ako magpapakita at dadalaw sa kanya.
••••••••••••••••••••••••••••••••
A/N:
May ganun???
BINABASA MO ANG
Without You
FanfictionAll those years passed by, I still have questions hanging unanswered. Nakakalimot ba ang puso ng ganun kadali? Or I'm just afraid to feel the pain again? Does he deserve a chances? Or lumayo na lang para bumangon muli sa pagkakadapa ko? Will I do th...