Simula

178 22 21
                                    

Simula
...

"Hoy, si Kulam 'yan 'di ba?" tanong ni Jackson.

"Ang obvious naman! Tingnan mo nga ang buhok parang tuwing gabi lumilipad siya habang hati ang katawan!" Humalakhak naman si Steven.

Kasalukuyan kaming tumatambay sa likod ng campus buildings dahil nagpapalipas kami ng oras para sa next subject namin. There are four of us, and we're all first year Industrial Design students. At sa pagkakaalam ko, itong si Kulam ay taga BSED Math. I'm not the one who named her that, the people around me did. Tinatawag ko na rin siyang ganoon dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya.

Kilala siya halos ng lahat ng estudyante ng University dahil sa anak siya ni Aling Dolores na bali-balitang isang mangkukulam o aswang ng La Hermosa.

Napagkakamalang mangkukulam o aswang sila dahil sa buhaghag at kulot nilang buhok na hindi naman itinatali. Namamataan din si Aling Dolores na nagbubungkal at nagtatanim ng gulay tuwing gabi o 'di kaya ay nagliliwaliw sa bayan. Pero sa umaga naman ay hindi mahagilap, palaging nakasarado rin ang bahay nila. Itong si Kulam lang ang nakikita namin sa umaga, ngunit parang gaya na rin ng ina nito...hindi namin nakita ang hitsura niya. Palagi kase siyang nakafacemask.

Naaalala ko tuloy si Sir Kakashi.

"Paano kaya kapag ipakulam natin ang mangkukulam? Gagana kaya?" tanong ni Jomar habang nakapandekwatro. Nakaupo kaming apat sa bilugang bench na nakaikot sa isang puno.

"Uy!" Tumayo si Steven at tinuro si Jomar na parang may nasabi itong magandang ideya. "Gawin kaya natin?" excited nitong tanong.

Natawa nalang ako sa kanila at napailing. "Kanino naman kayo magpapakulam? Kay Aling Dolores?" Wala namang ibang nababalitaang mangkukulam sa bayan kundi siya lang. I don't believe it so, I just heard it everywhere.

"Ayos, Ruch, ah!" Tinapik pa ni Steven ang balikat ko. "Ganun nga! Ipapakulam natin si Kulam sa Nanay niya!"

"Woah! Gusto ko 'yan!" gatong pa ni Jomar.

"Kung hindi papayag ang Nanay niya, maghanap tayo ng iba!"

Napailing-iling nalang ako sa kanila. Mga baliw. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa cellphone. Maglalaro kami ni Jackson ng ML, kalaban namin ang kakilala niya na taga-mechanical engineering.

Habang intense na ang laro namin at nagmumurahan na kami ay bigla namang inagaw ni Steven ang cellphone ko.

"Hoy, gago!" Sinipa ko pa ang binti niya. Damn. Pantay ang laro at gusto kong manalo dahil may pustahan.

"Aray ko, Ruch! Ang lakas mong manipa." Namilipit pa siya sa sakit. Inis ko namang hinila mula sa kanya ang cellphone ko.

"Gago ka kase!" Dali-dali kong pinagpipindot ang cellphone ko.

Napamura ako ulit nang natalo kami! Inis kong sinipa ang bato at nagkaroon pa ng alikabok sa hangin dahil sa ginawa ko.

"Anubayan, Ruch, ang bano mo!" singhal ni Jackson sa'kin.

"Eh, kung hindi lang epal 'tong si Steven-eleven!"

"Alam niyo kase may ideya kami! Mas exciting pa sa ML!" sabat ni Jomar.

"Ano?" kuryusong tanong ni Jackson na ibinaba na ang cellphone at ipinasok sa bulsa.

Iritado akong nakinig sa sinasabi ni Jomar. Bwisit. Kaltas ng isang daan sa allowance ko ang talo ko sa pustahan. Ano ba 'yan! Baka pagalitan ako ni mama nito. Palagi kase akong panalo kaya walang atraso, pero ngayon, may ulupong na disturbo.

"Bubunot tayo ng buhok kay Kulam!"

Humalukipkip ako at sumandal sa puno. Imposible namang mangyari ang sinasabi nila. Hindi naman ako fully convinced na mayroong kulam. Hindi ko alam totoo ba o hindi. Wala namang katuturan ang ideya nila. Ano 'ba yan! Mga walang kwenta. Pumikit ako para matulog nalang dahil sumakit din ang mata ko kakatitig sa cellphone.

Gayuma (La Hermosa Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon