Kabanata 30
..."H-Huh?" Napanganga ako sa sinabi niya. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.
Magsasalita na sana siya nang may biglang bumusina. Nanlaki ang mga mata kong makita ang kotse ni Uncle Anton. Agad akong bumitaw sa hawak ni Ruch. Hindi naman siya nagulat, tumingin lang siya sa kotse na parang kilala na niya kung sino ang may-ari.
Bumukas ang pintuan at lumabas si Uncle Anton. Mukhang narito siya para maghatid ng groceries at ilang gallon ng mineral water. Napatingin agad si Uncle sa amin. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Ganun din ang ginawa ni Ruch!
"Ruch," tawag ni Uncle sa kanya. Medyo nagulat ako pero alam kong may posibilidad na magkakilala sila dahil namention na ni Uncle na nakatrabaho niya ang mga architects na Delgado.
"Tito," ani Ruch.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Napasulyap pa si Uncle sa'kin. I bit my lip.
"Hinatid ko lang po si Hera," diretsong sagot ni Ruch. Tumango naman si Uncle. At gaya ni Nanay, tinignan niya kami nang makahulugan. Sigurado akong nakita niyang hawak ni Ruch ang kamay ko kanina! Napalingon ako sa bahay namin. Baka pa nga nakita ni Nanay kung sumilip siya sa bintana!
"Uh...aalis na rin po siya, Uncle." Singit ko. Tumaas naman ang kilay ni Ruch. "U-Uuwi na po siya."
"Ganun ba..." ani Uncle.
Kumunot ang noo ni Ruch. "We're not done talking."
"Umuwi ka na. Maggagabi na." Hinila ko siya patungo sa gilid ng kalsada para maghintay ng bus. Ang bigat niyang hilain halatang ayaw niya pang umuwi.
"Let's talk first," he insisted. Napasulyap ako kay Uncle na nanonood sa'min.
"Bukas na."
Tinitigan niya ako't tinitimbang kung tunay nga bang makikipag-usap ako sa kanya bukas.
"Sige na, Ruch, may bus na."
He sighed heavily. "If you won't talk to me, I'll come here again." It sounded like a threat. He must be frustrated and tired of this.
Ako na ang pumara sa bus nang hindi man lang siya gumalaw, nakatingin lang siya sa'kin nang naninimbang. Si Uncle naman ay binuksan na ang trunk ng sasakyan niya't nagdidiskarga na.
"Umakyat ka na," tinulak ko siya patungo sa humintong bus.
"Why are you pushing me away? Pero si Gelo niyakap mo't sumama ka pa sa kanya."
Natigilan ako sa sinabi niya. It has been days! He wasn't over it? I mean...has he been thinking about it for days? It sounded like a grudge.
"Sasakay ba kayo o hindi?" Tanong ng konduktor nang lumipas ang ilang sandali't hindi pa sumasakay si Ruch.
"Ruch, sumakay ka na." Tinulak ko ulit siya pero hindi pa rin siya gumalaw. Nagmamatigas pa rin siya! Napatingala ako sa kanya. "Ruch..." untag ko. He shook his head, displeased.
He's bothered by Gelo's hug, right? I gulped. May this calm him. I took a step forward...and decided to hug him. Would this pacify his anger? I felt him stiffened.
"Sorry..." I whispered sincerely. I've gathered all of my emotions and express it into a word. There are many things I have to be sorry of. I am sorry for avoiding him. I am sorry because I don't have a choice. I am sorry because I can't seem to find a solution to my own problem. I am sorry because I have caused him a lot of trouble. And I am sorry because I hurt him...
"Ano? 'Di kayo sasakay?" Kumalas ako agad kay Ruch nang marinig ang tanong ng konduktor.
"Sasakay po!" Agap ko. "Ruch, sumakay ka na." Pinagtulakan ko ulit siya. Napansin kong namumula ang tenga niya.
BINABASA MO ANG
Gayuma (La Hermosa Series #1 )
RomanceLA HERMOSA SERIES #1 Gayuma? Akala nila ginayuma niya ako. Akala nila mangkukulam siya. Pero hindi... Sobrang ganda niya. Sobrang bait niya. At para nga'ng gayuma; ang katauhan niya'y nakahahalina. Nang makita nilang lahat ang tinatago niyang muk...