Kabanata 41

30 1 2
                                    

Kabanata 41
...

"Bakit sa police niyo dinala sina Viv? Dapat sa mental!"

Nagising ako sa ingay ng aking paligid. May naririnig akong nag-aaway kanina, may umiiyak, at may sumasaway.

"Hoy, ang ingay niyo," mariing bulong ng isang boses.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Ang sama pa rin ng pakiramdam ko. Mainit at masakit ang aking katawan. Nang imulat ko ang aking mga mata ay ang gilid ng mukha ni Niña ang una kong nakita. Nakaupo siya sa silya na nasa kaliwang gilid ng kama. Nakatingin siya sa kaliwa kung saan nakatayo sina Julie, Steven, at Jomar.

Nanlaki ang mga mata ni Julie nang makitang gising na ako. Agad siyang lumapit at inalalayan akong maupo.

"Shocks, ang init mo pa rin, bibi!" Aniya nang mahawakan ang aking braso.

Nailibot ko ang paningin sa buong silid. Kwarto pala ito ni Niña, sa boarding house niya. Hindi ko namalayang nanginginig na pala ang kamay ko. Napansin ko lang nang hawakan niya iyon.

I breathe in and out heavily. Nagsituluan na rin ang mga luha ko nang maalala ang nangyari. Binalot ako ng takot at kaba. I shook my head profusely to, hopefully, shook away the memories.

Gusto ko ng makalimot agad...

Nang dumako naman kina Jomar at Steven ang paningin ko ay mas lalo akong nanginig at kinilabutan.

"U-Umalis kayo," hinihingal kong sabi. Medyo masakit din ang lalamunan ko. Hinahagod naman nina Julie at Niña ang aking likod. Naguguluhan na rin sila sa iniasta ko. "U-Umalis kayong mga lalaki."

I clenched my fist to stop it from shaking. Nanghihina ulit ako. Masyadong sariwa pa sa utak ko ang nangyari. Ayokong makakita ng lalaki sa iisang room. Pumikit ako at kinalma ang sarili.

Narinig ko naman ang pagkataranta ni Julie at ang pagtatabuyan niya sa dalawa.

"Shoo! Lumabas kayong dalawa! Labas!"

Sinarado pa ni Julie ang pintuan nang nagkakamot sa ulo na nakalabas na ang dalawa. Bumuntong-hininga ako. Ramdam ko ang init ng aking hininga. Nang bumalik na si Julie sa tabi ko ay napahagulgol ako.

Ayaw ko munang magising. I can still feel their touches. I can still feel the pain. I'm still tired. Pwede bang paggising ko, wala na'ng sakit?

Napahawak ako nang mahigpit sa slacks ko. I don't know how I ended up here. I don't know what happened after I passed out. Suot ko na ulit ngayon ang uniform ko. But seeing it makes me remember a lot of awful things.

"A-Andito lang kami..." nanginginig ang boses ni Niña habang tinatahan ako. Mas lalo akong napaluha.

"A-Ayoko na..." I almost whispered. "P-Pagod na'ko..."

I wanted to give up. I don't know how to heal myself again. It's too much. I've overcame my trauma, but here we go again.

"Uminom ka muna ng tubig," seryosong sabi ni Julie. Tinanggap ko rin ang bigay niya. Tinulungan pa ako ni Niña dahil nanginginig ang kamay ko at baka matapon ang tubig.

Tumingin ako sa bintana at nakitang sobrang dilim na. Gabi na, kailangan ko ng umuwi. Naalala ko naman ang panggogrocery ko. Dahan-dahan akong bumaba ng kama. Inalalayan pa ako ng dalawa na tila pasyente ako na may kapansanan. Huminga ako nang malalim nang makatayo na.

My whole body is aching. I don't know if I was raped or harrassed. My only consolation is that I don't feel any pain down there. Ipinilig ko ang aking ulo. I don't want to think about it. I want to erase all of those memories right away.

Gayuma (La Hermosa Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon