Kabanata 43

43 3 8
                                    

Kabanata 43
...

Paulit-ulit akong napamura sa sarili.

Nagulantang ako nang makita ang mukha niya. Kahit pa nang bumibili ako ng cake para sa birthday ng kapatid ko, naiimagine ko pa rin siya.

Bakit niya iyon itinatago?

I don't know why I feel like gatekeeping it. I don't want others to know.

But I was contemplating whether it's her true face or I was just under some kind of enchantment or black magic to be bewildered this way. Napapaisip lang ako sa mga sinasabi ng mga tao. Totoo kaya ang mga sinasabi nila?

"Tol, sino 'yan?" Heto na naman si Jackson sa bahay at nanggugulo. "Crush mo? Ganda, ah."

Agad kong isinara ang sketchpad ko. May tsismoso.

"'Di." Tumayo na ako galing sa upuan dala-dala ang sketchpad. I don't want him to stare at the portrait for long. "Umalis ka nga, ano ba'ng kailangan mo?"

Nagkamot siya ng batok. "Padrawing ako, 'tol--"

"Busy ako."

Lumabas ako ng silid at bumaba sa living area. Sumunod naman siya sa'kin.

"Ano'ng busy? Nagdrawing ka nga na hindi naman project natin! Sige na, babayaran naman kita, eh."

"'Di pa ako tapos sa plate ko." Natutulala na lang kase ako minsan. Kadalasan, wala sa sariling naiguhit ko ang mukha ni Hera imbis na ang project namin.

I knew her name now. I searched it.

I was nervous at first; maybe I was enchanted, maybe she casted a spell on me. Because I can't take her off my mind! And so I avoided her.

But upon knowing that Gelo is making a move on her, I realized a thing. He definitely saw her face. Kahit hindi kami close, kilala ko pa rin siya dahil kabarkada siya ni Kurt. At hindi ko masasabing mabait siya.

"P're, ipinapabigay ni Hera." Iniabot ko kay Gelo ang tatlong fudgee bar at isang yakult.

Nagkamot siya ng ulo. "Sabing sa kanya na 'yan, eh."

"Sige, ibalik ko na lang sa kanya!" prisinta ko agad. Nagmadali akong umalis para hindi na siya makatanggi.

Hindi pwedeng siya lang ang gumagalaw. Kailangan ko ring kumilos.

"Andito ka lang pala." Hiningal pa ako dahil sa pagtakbo.

Nang mag-angat ako nang tingin sa kanya ay napatulala ako saglit.

Tangina, ito 'yon, eh. Ito 'yong sinasabi ko. Nakakatameme ang mukha niya.

Pasubo na siya ng pagkain kaya napatingin ako sa mapula niyang labi.

I mentally shook my head because of some unwanted thoughts. Gago ka, Ruch! Ano'ng kababalaghan ang iniisip mo! Hindi ka pa nga niyan kilala, hahalikan mo na! Gago!

Napatikhim ako at nag-iwas ng tingin.

"Pwedeng maupo?" tanong ko matapos makabawi. Hindi naman siya sumagot kaya naglakas-loob na akong maupo sa tabi niya. Naamoy ko agad sa kanya ang pambabaeng pabango.

Nang maupo ako ay umusog siya bahagya. Napatitig ulit ako sa kanya. Hindi ko naman sinasadyang tumitig. Sadyang nakahahalina lang talaga ang ganda niya. Hindi ko maiwasan.

Uminom siya ng tubig nang hindi makatingin sa akin. Kinuha ko iyong pagkakataon para masaulo ang mukha niya. Kahit hindi na naman kailangan dahil sa tingin ko'y nasaulo ko na naman.

"Ahm...ano..." panimula ko. Napasulyap siya sa'kin at nang magtama ang mga mata namin ay may kung ano rin sa puso ko ang natamaan. "Ayaw tanggapin ni Gelo iyong ipinapabigay mo." Inilabas ko sa bulsa ang tatlong fudgee bar at yakult.

Gayuma (La Hermosa Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon