Kabanata 33

39 6 5
                                    

Kabanata 33
...

"Akala ko nanliligaw ka na sa anak ko, Ruch?"

"Nay," saway ko. Ang pula na ng pisngi ko! Noong nakaraan lang ay bukambibig ng mga kaibigan ko ang panliligaw ni Ruch, pero ngayo'y naging totoo na!

Tumawa si Nanay, "Noon pa naman ako pumapayag."

Ruch bit his lip to stifle a smile. Nag-iwas ako ng tingin. Parang panaghinip lang ang lahat!

"Maraming salamat po, Tita. Mamahalin at aalagaan ko po ang anak niyo."

I bit the insides of my cheeks. Bakit ang linyahan ni Ruch ay parang ikakasal na kami?!

Tila natulala lang ako dahil hindi ko na nakuha ang kasunod nilang pinag-usapan. Ang nasa isip ko lang ay na manliligaw na si Ruch sa'kin! Alam kong gusto niya ako. Pero ang isiping manligaw siya sa'kin, at kinuha niya pa muna ang permiso ni Nanay, ay nakapagbigay ng kakaibang aliw sa aking puso.

"Sige, Ruch. Mag-usap muna kayo ng anak ko. Kukuha lang ako ng snacks." Tumayo si Nanay at siya na sana ang magbibitbit sa prutas na dala ni Ruch pero tinulungan naman siya ng huli.

"Ako na, Tita." Tumayo siya't kinuha ang basket ng prutas kay Nanay. Lumingon naman siya sa'kin pagkatapos. "Iwan muna kita saglit..." he trailed off. "Love," bulong niya.

Nag-init ulit ang pisngi ko. Kinunutan ko siya ng noo pero parang tangang hindi ko mapigilan ang sariling mapangiti. Tinawanan niya ako't kinurot ang aking pisngi.

Inimbita siya ni Nanay na sa amin mananghalian. Ako ang nagprisinta na magluto dahil usually ako naman ang nagluluto tuwing weekends. Pero ngayong narito si Ruch, nagpumilit siyang tumulong sa pagluluto!

"Ako na ang maghihiwa niyan," sabi ko nang akmang hihiwain niya ang mga gulay. Magluluto ako ng menudo. Si Nanay naman ay nasa sala't nanonood ng TV habang nagtatahi. Hinayaan niya lang kami rito sa kusina.

"Ako na, love."

Napanguso ako, "S-Stop calling me that." Hindi na ako makatingin sa kanya. Sa tuwing tinatawag niya akong ganoon, iba ang kabang naidudulot no'n sa'kin!

I heard his little chuckle, "Hm? Bakit naman, love?" Sinilip niya pa ang mukha ko.

Iniiwas ko ang mukha ko kasabay ng pagtutulak ko sa kanya,"D-Dun ka na sa sala!"

"I told you, I'll help."

"Kaya ko na rito..." marahan kong sabi. "Bisita ka, eh."

Ngumisi siya, "Ayos lang. Manliligaw mo naman ako."

Para akong tangang nag-iwas ng tingin habang hawak-hawak ang pisngi kong mapula! Shocks! Ano ba ang hiwaga sa salitang 'manliligaw'? Bakit parang kakaiba iyon sa pandinig?

"C'mon, ako na ang maghihiwa nito, love." Kinuha niya ang patatas sa kamay ko.

"H-Hindi pa nga tayo, tinatawag mo na'kong love," naibulalas ko.

Kita ko ang pagpigil niya na matawa. He bit his lower lip. "Hmmm. I can call you that now, pero tawagin mo lang akong gano'n 'pag tayo na."

'Pag kami na?

He pinched my cheeks, "But if you don't like it, I'll stop calling you--"

"No, it's okay!" Agap ko. Nag-iwas ako ng tingin nang mas lumaki ang ngiti niya.

"Really, love?"

"M-Maghiwa ka na!" Tinalikuran ko siya't nagtungo ako sa gas range. Rinig ko na naman ang pagtawa niya. Ayos lang na tawagin niya akong ganun, pero parang nang-aasar siya, eh! Ang kulit na niya!

Gayuma (La Hermosa Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon