A/N
I haven't ran a read-through yet so baka may grammar and typo errors ahead po. Bukas ko na lang po icheck, hihi. Long chapter for the long wait. Enjoy reading!<3Kabanata 39
...Totoo ba talaga ang gayuma?
Napatanga ako kay Lily. Matapos niyang sabihin iyon ay nagpalingon-lingon ulit siya sa paligid.
"M-May iba ka pa'ng dapat malaman." Kinakabahang aniya. "Hindi lang- " natigilan siya nang may mga estudyanteng naghahanap ng libro sa malapit.
"Ano?" Bulong ko.
Aligagang umiling siya. "K-Kailangan ko ng umalis."
Bago pa makaalis si Lily ay biglang sumulpot si Gelo sa di kalayuang gilid namin. Nagpalinga-linga siya at parang may hinahanap, natigil lang nang makita ako; ngumiti, bago lumapit sa'kin.
"Kanina pa kita hinahanap, Hera." Napatingin naman siya kay Lily. "Ano'ng ginagawa niyo rito?"
I inhaled sharply, "May...hinahanap lang kaming libro para sa...project namin."
Tumango si Gelo. Si Lily naman ay walang paalam na umalis. Tinanaw ko lang ang likuran niya habang dina-digest ng utak ko ang lahat niyang sinabi.
"Nakapagsnacks ka na ba?" Tanong ni Gelo.
I shook my head, "Babalik pa'ko sa room namin." Para akong lumulutang dahil sa nalaman ko. Posible ba talaga ang gayuma? Parang isang malaking biro ang lahat.
"Teka lang, Hera. May yakult ako rito." Inabutan na naman niya ako ng yakult.
I shook my head again. "'Wag na, Gelo."
Nais kong mapag-isa. Nais kong mag-isip. Nais kong sampalin ang sarili ko para mapatunayang nasa reyalidad ako.
"Sige na." Inilapag niya sa palad ko ang yakult. "Hindi mo ininom ang bigay ko no'ng nakaraan, 'di ba?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Pa'no mo nalaman?"
Alanganing tumawa naman siya. "Hula ko lang." Nagkamot siya ng batok. "Sige na, inumin mo na 'yan, Hera." Sabik niyang saad.
"Sa room na lang, nasa library tayo."
"Ayos lang, tago naman ang lugar na'to." Inilibot pa niya ang paningin sa paligid.
"Uh...babalik na kase akong room."
"Ganun ba...sige."
Nagmadali akong bumalik ng room at nilapitan sina Niña at Julie. Hindi ko na pinansin ang kakaibang kilos ni Gelo. Masyadong maraming bagay ang gumugulo sa utak ko. Ipinasok ko muna sa bag ang yakult bago ko hilahin ang dalawa patungong CR.
"Ano'ng problema?" Nag-aalalang tanong ni Julie.
Huminga muna ako nang maayos dahil hiningal ako. "Si Ruch...ginayuma siya ni Viv."
Napanganga silang dalawa. Napakurap-kurap pa si Julie. Ilang segundo pa ang lumipas bago may magsalita sa kanila.
"T-Teka, totoo?"
Tumango ako, sigurado. "Iyon ang sinabi ni Lily."
"Paano naman nagayuma ni Viv si Ruch? Hindi naman sila close. Ikaw naman ang palaging kasama niya."
Napaisip din ako. Ilang saglit ay nagsalita naman si Niña.
"Noong...friday. Pagkatapos ng ROTC."
Nagkatinginan kaming tatlo.
"Iyong gatorade." Sabay-sabay naming turan.
Pinaalam namin ang mga barkada ni Ruch tungkol sa katotohanan. Pero ang bagay na iyon ay ginawa naming sekreto sa iba. Kailangan naming kumilos para mapawalang bisa ang gayuma. Kailangan kong bawiin si Ruch.
BINABASA MO ANG
Gayuma (La Hermosa Series #1 )
RomansaLA HERMOSA SERIES #1 Gayuma? Akala nila ginayuma niya ako. Akala nila mangkukulam siya. Pero hindi... Sobrang ganda niya. Sobrang bait niya. At para nga'ng gayuma; ang katauhan niya'y nakahahalina. Nang makita nilang lahat ang tinatago niyang muk...