Kabanata 13
...Lunch time na. Nakapagbihis na ako kanina ng dala kong extra white shirt. Tinanggal ko na rin ang hairnet at ang pagkakabun ng buhok ko; pero hinayaan ko na lang ang pagkakaponytail at pagkakatirintas nito. May quiz kami mamaya at magrereview ako ulit. Kaya bumalik muna ako sa pagtambay sa rear field para kumain at doon na rin magreview.
Baka kase malate ako kapag magpunta pa akong plaza o park. Late na rin kase para sa lunch; 12:30pm na at distansya pa naman ang park mula sa campus. Natagalan kase ako dulot ng nangyari kanina, matagal din akong nakapagbihis dahil punuan ang CR.
Parang naging mas madalas na ako sa pinakamalayong bench dahil mayroon na namang nakaupo sa dati kong pwesto: sina Ruch at ang mga barkada niya na kumakain, pero may kasama silang mga babae na nakatayo sa harapan nila.
"Ito, Steven, oh, adobo. Luto ko 'yan." Binigyan ng isang babae si Steven ng isang maliit na container na may lamang ulam.
"Ayos! Masarap siguro 'to lalo na kapag maganda ang nagluto." Humalakhak pa si Steven.
"Penge, 'tol." Nakipag-agawan sa kanya ang isa pa nilang kaibigan.
"Hoy, Jomar, 'wag ka ngang mang-agaw. Palibhasa walang nagbibigay sa'yo! Panget ka kase!" Singhal nung Steven, binatukan naman siya ni Jomar.
"Ikaw, Ruch, gusto mo ng lumpia?" Tanong naman isa pang babae na malagkit kung makatingin kay Ruch.
"'Wag na, ayos lang," sagot ni Ruch.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanilang grupo. Tahimik akong dumaan sa malayong gilid nila, doon kase ang daan. Hindi pa ako nakakalagpas sa kanila ay napansin naman ako ni Jackson na siyang katabi ni Ruch sa upuan. Kinalabit niya si Ruch at nginuso ako kaya napalingon ito sa'kin. Agad namang isinarado ni Ruch ang baon niya, tumayo, at isinabit ang bag sa balikat.
"Nagmamadali pa nga," tumawa si Jackson.
Nag-iwas ako ng tingin. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad papalagpas sa kanila. Dahil sa ilang araw na ring hindi ako kumakain sa field, hindi ko alam na rito pala tumatambay silang magbabarkada para kumain. Naalala ko kaseng sa room sila kumain noong nakaraan.
"Ngayon ka nalang ulit kumain dito."
Nagitla pa ako nang marinig ang boses ni Ruch sa likuran ko. Napabaling ang tingin ko sa mga tao na nasa bench; at nakatingin nga sila sa'min. Ang dalawa pang kaibigan niya na sina Steven at Jomar ay nagkamot ng ulo, habang si Jackson naman ay nagngising-aso na naman. Ang tatlong babae naman na kasama nila ay nakanguso at nalukot ang mga mukha.
"Uh...o-oo," wala akong ibang masabi. Naglalakad pa rin ako habang nasa tabi ko na siya't sinasabayan ako. Kinakabahan ako tuwing malapit siya. Hindi ko rin maisatinig ang tanong kong bakit niya ako nilalapitan at sinasabayan pa sa paglalakad.
"Sa'n ka kumakain nung nakaraan?"
Dala-dala niya sa kaliwang kamay ang lunchbox niya habang nakahawak ang isa sa strap ng bag. Kahit sa simpleng pormahan niya lang, ang lakas pa rin ng dating niya. Hindi ko rin mapigilang hindi pansinin ulit ang bagong gupit niya; ang gwapo niya lalo. Pero para bang kahit kalbo siya, pogi pa rin. Nag-init ang pisngi ko sa mga naiisip.
Okay, Hera, enough with that...
I sighed all my thoughts out. Bakit parang nawawala na ako sa plano kong umiwas sa kanya? Sa tuwing lumalapit kase siya sa'kin nadadamay at naaapektuhan siya. Gaya na lang kanina, baka pa nga magkarambulan doon. Nadamay pa siya sa isang away na hindi naman dapat siya kasali.
"Lumalabas ako ng campus," sagot ko sa tanong niya. Hindi ko rin sinabing sa park ako tumatambay.
"Sa'n?" Pang-uusisa niya pa.
BINABASA MO ANG
Gayuma (La Hermosa Series #1 )
Roman d'amourLA HERMOSA SERIES #1 Gayuma? Akala nila ginayuma niya ako. Akala nila mangkukulam siya. Pero hindi... Sobrang ganda niya. Sobrang bait niya. At para nga'ng gayuma; ang katauhan niya'y nakahahalina. Nang makita nilang lahat ang tinatago niyang muk...